Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ebidensya sa Binay plunder lumakas pa

00 bullseye batuigas

SUMASAKIT kaya ang ulo ni Vice Pres. Jejomar Binay ngayong lumakas pa raw ang ebidensya sa plunder na kinakaharap nila ng kanyang anak na si Makati Mayor Junjun Binay at ng 22 pang opisyal, kaugnay ng “overpriced” umanong konstruksyon ng Makati City Hall Parking Building?

Ito ay bunga ng suplemento sa orihinal na reklamong plunder na isinampa sa Ombudsman nina Atty. Renato Bondal at Nicolas Enciso, na nagtataglay ng katibayan na ang pagpapatayo ng naturang gusali ay overpriced daw ng P1.9 bilyon hanggang P2.455 bilyon.

Kasama rin sa kanilang mga inireklamo si COA auditor Cecilia Caga-anan na umamin umano sa kanyang report kay Dir. Carmelita Antasuda ng COA Local Government Sector, na umabot sa P2.711 bilyon ang total budget sa konstruksyon ng gusali. Nakapagsampa na raw sina Bondal ng plunder laban sa mga Binay nang lumabas ang ulat na ito ni Caga-anan kay Antasuda.

Aabot daw sa P1.9 bilyon ang tongpats o kickback kung batay sa gastos ng konstuksyon ngayong taon na P25,000 bawa’t metro kuwadrado; P2.407 bilyon sa gastusing P9,527 bawa’t metro kuwadrado noong 2012; at P2.455 bilyon noong 2007 na P8,013 kada metro kuwadrado.

Ang pondo para sa konstruksyon ng kontrobersyal na gusali ay inaprubahan daw ng Makati City Council sa inilabas na 10 ordinansa mula 2007 hanggang 2013 sa pamumuno ni Binay na noon ay alkalde hanggang sa maging mayor din ang anak nitong si Junjun.

Ayon kay Bondal, kung ang ipinondo ng Makati City Hall ay P2.711 bilyon para sa 31,928 metro kuwadradong sukat ng gusali ay lalabas na P84,927 ang halaga ng bawa’t metro kuwadrado nito. Lumalabas na ito na raw ang pinakamahal na gusali sa buong mundo.

Kahit na ang pinakamahal at pinakamodernong gusali sa Makati ay hindi raw aabot ng P50,000 kada metro kuwadrado. Ayon daw sa National Statistics Office ay P8,013 bawa’t metro kuwadrado lamang ang presyo ng pagpapatayo ng gusali noong 2007. Ang tanong ng marami ay paano nakalusot ang proyektong ito sa COA auditor noon ng Makati na si Caga-anan?

Nalaman kaya ni Sen. Antonio Trillanes ang mahahalagang detalye sa katibayang ito, mga mare at pare ko, kaya hiniling niyang imbestigahan ng Senado ang overpriced umanong pagpapatayo ng naturang gusali? Kapag napatunayang overpriced ang kontrobersyal na Makati City Hall Parking Building ay hindi malayong impeachment ni Binay ang kasunod.

Manmanan!

***

“Good pm, Mr. Ruther Batuigas. Taga-Leyte po ako. Wala naman po akong sumbong, puna o reklamo. Gusto ko lang po batiin ang iyong kolum na Bull’s Eye sa sinulat mo tungkol sa ‘Bayani si Palparan.’ Tama ka sa pananaw kay Palparan at congrats sa ’yo. Ako po, hindi ko kilala si Palparan sa totoong buhay. Nakilala ko lang siya na nagserbisyo ng matapat sa ating pamahalaan. Ito ay base lang po sa aking puso’t isipan na ramdam ko, ang kay Palparan katapatan. Thanks.”

Ipinarating lang natin ang katotohanan na pilit ikinukubli ng mga panlilinlang at paninira ng makakaliwa laban kay Palparan. Maraming salamat.

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

Ruther D. Batuigas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ruther D. Batuigas

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …