ISA tayo sa mga naniniwala na malabong masangkot sa bribery si Asst. State Prosecutor Richard Fadullon sa kontrobersiyal na paglilitis sa Maguindanao massacre.
Si ASP Fadullon ang head ng first prosecution panel sa Maguindanao massacre.
Ang pangalan umano ni Fadullon ay nasa notebook na iniharap ni Jeramy Joson na umano’y nakuha niya sa Ampatuan lawyer na si Arnel Manaloto.
Sa nasabing notebook umano nakatala na si Justice Undersecretary Francisco Baraan III ay sinuhulan ng P13.5 milyon, habang si private prosecutor Harry Roque, Jr., ay P10 milyon at isang kotse. Si Fadullon ay P5 milyon noong Mayo 2011 at P2 milyon noong Enero 2012.
Sabi nga ni ASP Fadullon, ayaw na niyang magsalita tungkol dito.
Kung mayroon haharap na maglalabas ng ebidensiya ay mas nanaisin niyang harapin sa korte.
Naniniwala tayo kay ASP Fadullon.
Isa siya sa mga binigyan natin ng pagkilala noong tayo ay Presidente ng National Press Club (NPC) dahil sa kanilang parehas na paghawak sa kaso ng Maguindanao massacre bago ito iniakyat sa korte.
Ang dapat tutukan sa kasong ‘yan ay mga private prosecutor na hindi natin maintindihan kung ano ang agenda sa kanilang pag-iingay.
Ano sa tingin ninyo, Justice Secretary Leila De Lima?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com