Patay ang isang barangay kagawad makaraan pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa sa Santol Road, Clarkview, Angeles City, Pampanga.
Kinilala ang biktimang si Renato Garcia, 50, kagawad ng Brgy. Malabanias, at residente ng #19 Santol Extension, Clarkview Subd., ng nabanggit na siyudad.
Habang mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklong walang plaka.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong 9:20 a.m. nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar. Iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo ng mga salarin sa pagpaslang sa biktima.
(RAUL SUSCANO)