Sunday , November 17 2024

Ganyan ang tongpats sa Makati

00 Bulabugin jerry yap jsyDEMOLITION job man o isyu-isyuhan lang, mayroon pa rin dapat ipaliwanag sina Vice President Jejomar Binay, Mayor Jun-Jun Binay, 20 konsehal at si Commission on Audit (COA) resident auditor Cecille Caga-anan tungkol sa pag-asunto sa kanila ng dalawang Makati residents dahil sa tongpats na P2-bilyon sa ipinatayong Makati Parking Building.

Mayroong hawak na dokumento ang mga umasuntong sina Atty. Renato Bondal at Nicolas Enciso.

At ito ang pinagbabasehan ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV sa pagpapatawag niya ng imbestigasyon sa Senado.

Batay kasi sa reklamo nina Bondal at Enciso, ang palusot na tongpats ay swabeng nailusot sa pamamagitan ng mga sumusunod na ordinansa: Ordinance No. 2007-A-015 (P400 million); Ordinance No. 2008-035 (P500 million); Ordinance No. 2010-A-005 (P600 million); Ordinance No. 2011-037 (P30 million); Ordinance No. 2011-016 (P650 million);  Ordinance No. 2011-038 (P400 million); Ordinance No. 2013-016 (1.56 million).

Kung pagbabatayan ang dokumentong inilabas ni Caga-anan, aabot sa P2,455,727,438.50 ang overpricing sa Makati City Hall Parking Building kung ikokompara sa average price na P8,013 bawat metro kuwadrado noong 2007.

Aabot ang overpricing sa P2,407,388,446.50 kompara sa official average construction cost na P9,527 bawat metro kuwadrado noong 2012.

Pinakamababa nang halaga ng tongpats ang P1,913,366,502.50 kung ikokompara sa average construction cost na P25,000 bawat metro kuwadrado ngayong taon.

“Kahit na anong taon ikompara, lalabas na lolobo ang tongpats mula P1,913,366,502.50 hanggang P2,455,727,438.50,” diin ni Bondal.

Sa report ni Caga-anan, naglaan ang Makati City ng kabuuang P2.71-bilyong pondo para sa pagpapagawa ng City Hall Parking Building mula pa nang Mayor si VP Binay noong 2007 hanggang sa termino ng kanyang anak .

Ipinaliwanag ni Bondal na kung P2,711,566,502.50 ang ipinondo ng Makati City Hall para sa 31,928 metro kuwadrado na kabuuang sukat ng Parking Building, lalabas na P84,927 ang presyo bawat metro kuwadrado ng kontrobersyal na gusali.

“Kahit na ang pinakamahal, pinakabago at pinakamodernong gusali sa Makati ay hindi aabot ng P50,000 bawat metro kuwadrado,” ani Bondal.

“Lumalabas na ito na ang pinakamahal na gusali hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo,” diin ni Atty. Bondal.

Ganyan po sila sa Makati … bilyones ang tongpats sa isang proyektong ilang beses pinagkakitaan.

Paano kaya ito ipaliliwanag ng mga Binay?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *