Sunday , November 17 2024

“Express trade lanes” or more, more traffic jam and congestion

00 Bulabugin jerry yap jsy

PARANG hindi nakaiintindi ng CHAIN REACTIONS ang mga konsuhol este mga konsehal ng Maynila.

Kung dati ay masugid at hindi mababali ang pagnanais ng Konseho ng mga konsuhol este Konsehal sa Maynila sa pagnanais na maglunsad ng truck ban sa lungsod, iba naman ang style na gusto nilang ipatupad ngayon.

Nagbukas ang Konseho ng 2nd truck express lane na agad ipinatupad sa pagpasok ng linggong kasalukuyan matapos ratipikahan ang Traffic Management Council (TMC) resolution para sa talaan ng bagong “rules for truckers” gamit ang umano’y bagong trade lane.

Ang bagong trade lane ay ‘yung kakaliwa sa Quirino Avenue mula sa Roxas Boulevard; at mula sa Quirino ay kakanan sa Osmeña Highway para makapasok sa South Superhighway at vice versa.

‘Yan po ang paliwanag ni Konsehal Manuel “Letlet” Zarcal sa nakapupunding traffic congestion nitong linggong ito sa Maynila.

Ang unang problema ng mga konsuhol este Konsehal sa Maynila, hindi naman sila ‘traffic expert’ pero kung makagawa ng sariling daloy ng mga sasakyan ‘e para bang ISLET ang LUNGSOD na hindi konektado sa iba pang lungsod sa Metro Manila.

Mayroon pong tinatawag na CHAIN REACTION … kaya kapag hindi logical at praktikal ang ipinatutupad na traffic route sa isang lungsod sa Metro Manila t’yak apektado maging ang daloy ng mga sasakyang patungo sa mga kanugnog na lalawigan.

Hindi lang ordinaryong commuters ang maaapektohan ng mga illogical at impractical na traffic routes higit lalo ang truckers na maydala ng mga kargamento ng iba’t ibang uri ng industriya na nagpapaikot sa ating ekonomiya.

Kaya kung feeling ng Konseho ng mga konsuhol este Konsehal sa Maynila na pwede ‘yung basta na lang sila magtatakda ng sariling ruta gamit ang RESOLUSYON o ORDINANSA kuno ng KONSEHO ‘e mag-isip-isip naman sila.

Iba ‘yung feeling, iba ‘yung ginamitan ng utak …

Para mas madaling maintindihan, “WALANG makitang matinong RASON ang mga negosynate kung bakit ang truckers ang pinag-iinitan ng Konseho ng mga konsuhol este konsehal ng Maynila.

Ganon lang po, Konsehal Zarcal.

Sabi pa nga ng mga kalugar mo, “ESEP-ESEP din kapag may time, Letlet!”

GANYAN ANG TONGPATS SA MAKATI

DEMOLITION job man o isyu-isyuhan lang, mayroon pa rin dapat ipaliwanag sina Vice President Jejomar Binay, Mayor Jun-Jun Binay, 20 konsehal at si Commission on Audit (COA) resident auditor Cecille Caga-anan tungkol sa pag-asunto sa kanila ng dalawang Makati residents dahil sa tongpats na P2-bilyon sa ipinatayong Makati Parking Building.

Mayroong hawak na dokumento ang mga umasuntong sina Atty. Renato Bondal at Nicolas Enciso.

At ito ang pinagbabasehan ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV sa pagpapatawag niya ng imbestigasyon sa Senado.

Batay kasi sa reklamo nina Bondal at Enciso, ang palusot na tongpats ay swabeng nailusot sa pamamagitan ng mga sumusunod na ordinansa: Ordinance No. 2007-A-015 (P400 million); Ordinance No. 2008-035 (P500 million); Ordinance No. 2010-A-005 (P600 million); Ordinance No. 2011-037 (P30 million); Ordinance No. 2011-016 (P650 million);  Ordinance No. 2011-038 (P400 million); Ordinance No. 2013-016 (1.56 million).

Kung pagbabatayan ang dokumentong inilabas ni Caga-anan, aabot sa P2,455,727,438.50 ang overpricing sa Makati City Hall Parking Building kung ikokompara sa average price na P8,013 bawat metro kuwadrado noong 2007.

Aabot ang overpricing sa P2,407,388,446.50 kompara sa official average construction cost na P9,527 bawat metro kuwadrado noong 2012.

Pinakamababa nang halaga ng tongpats ang P1,913,366,502.50 kung ikokompara sa average construction cost na P25,000 bawat metro kuwadrado ngayong taon.

“Kahit na anong taon ikompara, lalabas na lolobo ang tongpats mula P1,913,366,502.50 hanggang P2,455,727,438.50,” diin ni Bondal.

Sa report ni Caga-anan, naglaan ang Makati City ng kabuuang P2.71-bilyong pondo para sa pagpapagawa ng City Hall Parking Building mula pa nang Mayor si VP Binay noong 2007 hanggang sa termino ng kanyang anak .

Ipinaliwanag ni Bondal na kung P2,711,566,502.50 ang ipinondo ng Makati City Hall para sa 31,928 metro kuwadrado na kabuuang sukat ng Parking Building, lalabas na P84,927 ang presyo bawat metro kuwadrado ng kontrobersyal na gusali.

“Kahit na ang pinakamahal, pinakabago at pinakamodernong gusali sa Makati ay hindi aabot ng P50,000 bawat metro kuwadrado,” ani Bondal.

“Lumalabas na ito na ang pinakamahal na gusali hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo,” diin ni Atty. Bondal.

Ganyan po sila sa Makati … bilyones ang tongpats sa isang proyektong ilang beses pinagkakitaan.

Paano kaya ito ipaliliwanag ng mga Binay?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *