Monday , November 18 2024

Sisihan, turuan at Charter change

00 firing line robert roque

NOONG 2013 ay nasa +53 percent ang satisfaction rating ng Aquino Administration, ayon sa isang pollster. Sa unang bahagi ng taong ito, bumaba ito sa +49 percent at sa hu-ling Social Weather Station survey ay bumulusok pa ito sa +29 percent.

Walang dudang ang pagsadsad ng rating ay dahil sa ilang kontrobersiya sa pulitika, gaya ng desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang labag sa batas ang Priority Development Assistance Fund (PDAF), at kalaunan ay naglabas ng kaparehong ruling sa legalidad ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Marami rin ang naniniwala na pawang senador lang mula sa oposisyon ang kinasuhan at ipinakulong kaugnay ng kontrobersiya sa PDAF habang ang isang miyembro ng gabinete ni PNoy na hayagang inakusahan bilang “utak” ng DAP ay hindi man lang kinastigo.

Dahilan din sa pagbulusok ng approval ra-ting ng Aquino Government ang pagmamatigas ni PNoy laban sa desisyon ng kataas-taasang hukuman sa DAP at kasunod nito ay ang mistulang pagganti ng mga kaalyado niyang kongresista na nagpatawag ng imbestigasyon sa Judiciary Development Fund, at determinadong alisin ito.

Kamakailan lang, na-quote ang Pangulo sa kagustuhang limitahan ang kapangyarihan ng Korte Suprema sa pamamagitan ng pag-amyenda sa konstitusyon. Itinuturing niya ang hudikatura bilang pinakamakapangyarihan sa tatlong sangay ng gobyerno at nais niyang tapyasan ang kapangyarihang ito.

Pagkatapos ng PDAF at DAP, inakusahan ng mga lider ng oposisyon si PNoy ng pagpa-patupad ng “selective justice.” Ngayon, dinagdagan nila ng adjective ang kanyang pangalan: “mapaghiganti.”

Hindi lamang ang mga corrupt na opisyal at mga taong kritiko ng kanyang administrasyon ang dapat sisihin sa sumadsad niyang rating. Dapat din siyang sisihin, sa totoo lang.

Ayon sa mga espiya, maikukumpara si PNoy sa isang matandang aso na matigas ang ulo at tumatangging pakinggan ang mga eksperto mula sa kanyang hanay. Para ba’ng mas pina-kikinggan pa niya ang mga payo ng malalapit ni-yang kaibigan, kanyang mga kainuman at mga kabarilan.

Kung ipagpapatuloy ito ni PNoy, tuluyan nang sasadsad sa pinakamababa ang kanyang ra-tings.

***

Hindi Mama’s Boy si PNoy.

Ang yumaong Pangulong Cory ay 100% na pro-Church. Pero si PNoy ay hindi. Pinatunayan niya ito nang inendorso niya ang RH Bill.

Tutol din ang yumaong Pangulong Cory sa ideya ng re-election ng isang presidente. Pero ngayon, hindi kontra rito si PNoy. Umiindak nga siya ngayon sa saliw ng Cha-cha (Charter change) na magpapahintulot sa pangulo na kumandidato para sa ikalawang anim na taong termino.

Siguro’y natural na lang sa pulitika na nauungkat ang usapin ng Charter change sa mga nakalipas na presidency pagkatapos ni Cory.

Mula kina Pangulong Ramos, Presidente Estrada at Pangulong Arroyo, lagi nang nababanggit ang Cha-cha bilang isang posibilidad.

Siguro, talagang napapasa-pasa na sa mga chief executive ang ideya sa pagkakaroon ng tsansa sa ikalawang termino.

Ngayon ang ika-31 anibersaryo ng pagkamatay ng ama ni PNoy na si Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na binaril sa tarmac ng international airport na nakapangalan na ngayon sa kanya.

Kung makapagsasalita lang si Ninoy mula sa kanyang libingan, ano kaya ang sasabihin niya sa nag-iisa niyang anak na lalaki?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *