Monday , March 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady manager natulala sa holdap

082114 tulala dungaw
HALOS matulala ang 25-anyos lady manager nang holdapin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Pasay City kahapon.

Nagtungo sa Pasay City police ang biktimang si Juvilyn Rodriguez, residente ng Upper Bicutan, Taguig City na agad nagsagawa ng follow-up operations kaugnay sa insidente.

Ayon sa pahayag ng biktima, naganap ang insidente dakong 2:10 a.m. sa panulukan ng EDSA at E. Rodriguez St., Malibay ng naturang lungsod.

Sakay ang biktima ng isang pampasaherong jeep patungong Alabang, gayondin ang mga suspek na nagpanggap na mga pasahero.

Pagdating sa naturang lugar, bumunot ng patalim ang mga suspek at tinutukan sa leeg ang biktima saka tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng Iphone 5S, Blackberry cellphone, P3,000 cash at mahahalagang gamit.   (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …