Aries (April 18-May 13) Tatanggap ka ng email mula sa isang tao na unti-unti nang nahuhulog ang loob mo. Huwag agad itong sasagutin.
Taurus (May 13-June 21) Ang pagsusumikap na maging perpekto ay pagsasayang lamang ng oras – tanggapin na lamang ang sarili kung ano ka.
Gemini (June 21-July 20) Iwasan ang mga bagay na sa iyong palagay ay malaking responsibilidad ngayon. Gamitin ang enerhiya sa sariling kapakanan.
Cancer (July 20-Aug. 10) Marami kang gawain na dapat tapusin, ngunit mistulang hindi ka napapagod.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kung hindi ka makapagdesisyon kaugnay sa isang tao, hilinging bigyan ka pa ng sapat na panahon.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Gamitin ang kombinasyon ng cold logic at warm smile upang magkaroon ng bentahe kaysa iba.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Kung nais mong ibahagi ang iyong mga mithiin at ideya sa isang tao, tiyaking siya ay iyong mapagkakatiwalaan.
Scorpio (Nov. 23-29) Iniiwasan mo ang mga tukso, ngunit panahon na para masanay ka sa ganitong sitwasyon.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Iwasan ang mga tao na puro satsat lamang ngunit walang aksyon ngayon – madedesmaya ka lamang sa kanila.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Nahihikayat mo ang maling mga tao ngayon – maaaring sila ay hindi pa desidido at hindi seryoso.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ipakita sa iyong mga tauhan ang bagong paraan ng pagbusisi sa mga bagay ngayon.
Pisces (March 11-April 18) Pakiramdam mo ikaw ay hinahatak sa dalawang magkaibang direksyon – Kaya mong harapin ang magkasalungat na mga ideya, hangga’t hindi ka pipilitin na aksyonan ang mga ito nang magkasabay.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Marami kang problema sa pera – ngunit sangkot din dito ang ibang mga tao – kaya naman ito ay komplikado.
Lady Dee