AGAD binawian ng buhay ang isang 34-anyos babaeng factory worker makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo nang hindi ibigay ang kanyang bag sa Brgy. Sto. Nino, bayan ng Calumpit, sa lalawigan ng Bulacan.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Liza Montano, residente sa nasabing bayan.
Dakong 8 p.m. sapilitang kinukuha ng mga suspek ang bag ng biktima ngunit pumalag kaya pinagbabaril siya ng isa sa mga suspek saka mabilis na tumakas.
(DAISY MEDINA)