Aries (April 18-May 13) Magdahan-dahan, hindi kailangang mag-apura kung batid mo kung saan ka patungo.
Taurus (May 13-June 21) Panahon na para ikaw ay mag-ingay. Walang sino mang pupuri sa iyong magandang nagawa.
Gemini (June 21-July 20) Bigyan ang sarili ng panahon na makapag-isip bago ipahayag ang mga saloobin.
Cancer (July 20-Aug. 10) Nanganganib na maapektuhan ang sarili ng emosyon kung hindi magiging matatag.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) May nagaganap na malawakang pagkilos ngayon – at posibleng magdulot ng pagyanig.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Nagagawa mong analisahin maging ang hindi pa nakikita, kaya suriin ang mga sitwasyon at alamin ang katotohanan.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Pera ba ang nasa isip mo ngayon? Kung hindi, ito ang nararapat. Hindi maayos ang sitwasyon ngayon.
Scorpio (Nov. 23-29) Ang hindi inaasahang komento ang magbubunyag ng malakas na koneksyon mo at ng isang tao.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ang pamamahagi ng ano mang bagay nang walang kapalit ay imposible, kaya magsuspetsa sa mga ipinamimigay.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang pagitan mo at ng iba ay malawak – papasok ka na sa seryosong larangan.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ngayon ang sandali na ikaw ay maghinay-hinay patungo sa momentum. Hayaan ang ibang habulin ka ngayon.
Pisces (March 11-April 18) Sa dati mong mga hilig ay para kang nasa malambot na kumot. Ngunit talaga bang komportable ka.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Hindi ka makatatanggi ngayon – bagama’t iniisip mong magiging dehado ka.
Lady Dee