Sunday , November 17 2024

Ang masamang kapalaran ni Palparan

00 Bulabugin jerry yap jsyNANG madakip ng National Bureau of Investigation (NBI) si Major Gen. Jovito Palparan sa Sta. Mesa, Maynila, agad nagbunyi ang maraming aktibista lalo na ang mga biktima umano ng paglabag sa karapatang pantao.

Tinawag na “The Butcher” o Berdugo sa mga balitang inilabas sa ibang pahayagan.

At d’yan tayo medyo nakikisimpatiya kay retired Gen. Palparan.

Sabi nga, hangga’t hindi napapatunayan sa korte na ang isang akusado ay may ipinadukot, tinortyur at pinatay, nanatili siyang inosente.

Ang naging kasalanan umano ni Palparan ay naging masugid ang kanyang paglaban sa insurhensiya. At dahil sa marubdob niyang paglaban sa insurhensiya ay naging ‘halimaw’ ang tingin niya sa mga aktibista at mga nag-armas sa ngalan ng kanilang ideolohiya.

Ang pagkakaiba nga lang, si Palparan ay nanunungkulang sundalo sa ilalim ng gobyerno. At ang kanyang sinusweldo ay galing sa buwis ng mamamayan.

Si Palparan ay isang retired Army general at masugid na  anti-communist. Mula Hulyo 2003 hanggang Hulyo 2004, ay naging commander ng Philippine Humanitarian Contingent sa Iraq War. Naging representative ng Bantay party-list sa 14th Congress of the Philippines.

Siya ay inakusahang responsable sa pagpaslang kay Eden Marcellana at Eddie Gumanoy at pagkawala nina  Sherlyn Cadapan at Karen Empeno.

Sa kasong kinakaharap ngayon ni Palparan, bahala na ang korte sa kanyang kapalaran.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *