Sa Simbahan, may maliit na batang lalaki ang gustong pumunta sa comfort room.
Bata: “Mommy, napapaihi po ako.” Dahil sa lakas magsalita ng bata, sabi ng Nanay na ‘pag nangyari ulit na iihi siya, sabihin na lang ang salitang ‘Whisper’ imbes na ihi para naman hindi nakahihiya sa mga tao.
Sumunod na linggo, kasama nila ang Daddy sa Simbahan. Sa kalagitnaan ng sermon, napapaihi na naman ang bata kaya si-nabi sa Erpat na gusto niyang mag ‘Whisper.’
Daddy: “Sige anak, ‘yun lang pala. Kung gusto mo, tumayo ka rito sa upuan para marinig ko lahat ang ‘Whisper’ mo.
***
model
Matagal bago nagkita muli ang magpinsan …
Jessica: Insan kamusta na? Balita ko ikakasal ka na raw.
Ronnie: Yeah soon.
Jessica: Sino ba mapapangasawa mo? Ano itsura?
Ronnie: S’yempre maganda, model siya ng palmolive.
Jessica: Talaga!!!
Ronnie: Kaya lang ngayon, model na lang ng Ajax.
Jessica: Taknaydamo kamulang mo.