Bagyo at alon na sobrang malakas ung drim ko, natangay ako ng alon at rmdam ko natakot talaga ako, tapos po hbng nattngay ako ng agos ay nauuntog ako, gsto ko paghndaan ung drim ko ano po kya mean. nito? Tnx po n advnce sa inyo senor…kol me monet.. dnt post my cp
To Monet,
Ang bagyo ay may kaugnayan sa overwhelming struggle, shock, loss o catastrophe sa iyong buhay sa estadong ikaw ay gising. Ito ay nagre-represent din ng unexpressed fears o emotions, tulad ng anger, rage, turmoil, at iba pa. Sa positibong anggulo naman, ang bagyo ay simbolo ng rising spirituality. Maaaring senyales din ito ng mabilis na pagbabago sa hinaharap.
Ang malakas na alon ay simbolo ng potential at power. Ito’y maaaring may kinalaman din sa sensuality, sexuality, relaxation at tranquility. Posible rin na nagsasabi ito na ang isang fatal error ay nagawa sa isang mahalagang desisyon.
Ang panaginip mo naman na nauntog ka ay maaaring nagsasabi na dapat ka nang magising upang mabago ang mga hindi magandang gawi na nakasanayan na. Maaaring ito ay nagmumula rin sa iyong subconscious na nagnanais na maging loveable ka at mabait, at dahil nga nakatatak na iyon sa iyong kaisipan, kaya ito nag-manifest sa iyong panaginip.
Señor H.