Monday , December 23 2024

Dapat bang paniwalaan ang ‘rice cartel’ na si Jojo Soliman na nakotongan siya!?

00 Bulabugin

HINDI tayo maka-Mar Roxas o maka-KIKO.

Pero mas hindi ko paniniwalaan ang isang Jomerito “Jojo” Soliman na nag-aakusang hiningan siya ng P5 milyon ng hubby ni Ate Koring (P5 milyon para kay Kiko Pangalinan at P5 milyon pa para sa NFA administrator).

Bilang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), pinangunahan ni Secretary Mar kasama si Food Security Czar Kiko Pangilinan ang pagsalakay sa isang bodega ng bigas sa Malolos City na pagmamay-ari ni Soliman.

Nilusob ang nasabing bodega nang makatanggap ng ulat na mayroong nagre-repack ng bigas na hinahaluan ng animal feeds.

What the fact!?

Mantakin n’yo naman, ang nag-iisang heredero ni Judy Araneta, inaakusahang nangingikil ng P5 milyon?

Hindi natin ito kayang paniwaalaan dahil mayroon tayong kaibigan na may napakasamang karanasan  kay Jojo Soliman sa usapin ng pera.

Isang panahon (GMA administration) na napakalakas ng mag-amang Soliman (Joaquin) sa Bureau of Customs, isang kaibigan natin ang lumapit sa kanya na may naipit na kargamento sa Customs at hiningan niya ng P10 milyones para ‘ipang-ayos’ daw.

Inabot na ng maraming buwan at naabo na yata ‘yung P10 milyon pero hindi nailabas ni Soliman ang hinihinging tulong ng ating kaibigan.

At nang komprontahin ng importer si Jojo na kung walang resulta sa pinalalakd niya ay isoli na lang ang pera sa kanya.

Ang sagot ng damuho sa importer: “Nagastos ko na ‘yun pera sa customs at hindi ko pwede sabihin sa inyo kung sino ang binigyan ko ng pera.”

Kamote ka ba Jojo na magbibigay ng malaking pera sa customs nang walang kasiguraduhan sa nilalakad mo!?

Nalaman na lang ng importer na nagpatayo pala ng malaking bahay sa Marina si Mr. Jojo Soliman.

Sonabagan!!!

Hihintayin natin ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kasong extortion na ang isinasangkot ay sina Roxas, Kiko at Arthur Juan, ang administrator ng National Food Administration (NFA).

Sa kanyang reklamo sa NBI, inakusahan ni Soliman si Juan at ang kanyang assistant na isang Patricia Galang, na hiningan siya ng P15 milyon kapalit ng pagbabalik sa kanilang ‘negosyo.’

Sinabi umano ni Juan na maghahati sila nina Roxas, at Kiko sa P15 milyones.

Tsk tsk tsk …

Mukhang sumablay si Soliman sa operasyon na ito, si Mar na isang heredero at si Kiko na kahit hindi na magtrabaho ay hindi magugutom sa piling ni mega Shawie ay isinangkot sa P15-million extortion?!

Sa lakas daw ng koneksyon ni Jojo sa NBI ‘e bakit hindi n’ya pina-entrap si Mr. Juan!?

Hindi ba dapat kasuhan din siya ng panunuhol (bribery) sa kanyang ginawa?!

Abangan natin kung kanino magbo-boomerang ang operation ni Soliman.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

v

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *