ISANG text message ang ipinadala sa inyong lingkod ang nailathala natin kamakailan.
Tinanggal na nga natin ang pangalan ng opisyal ng PNP dahil talagang napansin ko na grabe ang ‘pag-giba’ doon sa dating Drug Enforcement Unit (DEU) chief at Anti-Vice head ngayon ng Mandaluyong City.
Personal pong nagpahatid ng impormasyon sa atin ‘yung mga kaibigan ng ‘ginigiba’ at gumawa rin tayo ng sariling imbestigasyon at natuklasan po natin na mukhang ‘yung mga ilegalista na natapakan ni SPO2 JUN ESPERANZATE ang tumitira sa kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mapanirang text messages.
Ayon sa Bulabog boys natin sa Mandaluyong, napaka-epektibo niyang hepe ng DEU mula 2011 hanggang 2014 sa rekomendasyon ni Mayor Benhur Abalos kaya ngayong plano ng kanilang alkalde na italaga siya bilang hepe ng Task Force Anti-Vice, ay agad na siyang inupakan ng mga ilegalista.
Marami rin siyang nakamit na commendations sa kanyang mga accomplishments at tapat na paglilingkod sa bayan.
Kaya naman buong-buo ang trust and confidence ni Mayor Abalos kay SPO2 Jun pagdating sa peace & order sa kanyang siyudad.
Anyway, ganyan daw talaga ang PUNO kapag HITIK ng bunga ay binabato.
Kayo na rin ang maysabi, mukhang tinamaan sila kaya ka nila ginigiba.
Ingat-ingat na lang po and keep up the good work!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com