Sunday , November 17 2024

Anti-vice task force head ng Mandaluyong ginigiba ng mga ilegalista

00 Bulabugin

ISANG text message ang ipinadala sa inyong lingkod ang nailathala natin kamakailan.

Tinanggal na nga natin ang pangalan ng opisyal ng PNP dahil talagang napansin ko na grabe ang ‘pag-giba’ doon sa dating Drug Enforcement Unit (DEU) chief at Anti-Vice head ngayon ng Mandaluyong City.

Personal pong nagpahatid ng impormasyon sa atin ‘yung mga kaibigan ng ‘ginigiba’ at gumawa rin tayo ng sariling imbestigasyon at natuklasan po natin na mukhang ‘yung mga ilegalista na natapakan ni SPO2 JUN ESPERANZATE ang tumitira sa kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mapanirang text messages.

Ayon sa Bulabog boys natin sa Mandaluyong, napaka-epektibo niyang hepe ng DEU mula 2011 hanggang 2014 sa rekomendasyon ni Mayor Benhur Abalos kaya ngayong plano ng kanilang alkalde na italaga siya bilang hepe ng Task Force Anti-Vice, ay agad na siyang inupakan ng mga ilegalista.

Marami rin siyang nakamit na commendations sa kanyang mga accomplishments at tapat na paglilingkod sa bayan.

Kaya naman buong-buo ang trust and confidence ni Mayor Abalos kay SPO2 Jun pagdating sa peace & order sa kanyang siyudad.

Anyway, ganyan daw talaga ang PUNO kapag HITIK ng bunga ay binabato.

Kayo na rin ang maysabi, mukhang tinamaan sila kaya ka nila ginigiba.

Ingat-ingat na lang po and keep up the good work!

DAPAT BANG PANIWALAAN ANG ‘RICE CARTEL’ NA SI JOJO SOLIMAN NA NAKOTONGAN SIYA!?

HINDI tayo maka-Mar Roxas o maka-KIKO.

Pero mas hindi ko paniniwalaan ang isang Jomerito “Jojo” Soliman na nag-aakusang hiningan siya ng P5 milyon ng hubby ni Ate Koring (P5 milyon para kay Kiko Pangalinan at P5 milyon pa para sa NFA administrator).

Bilang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), pinangunahan ni Secretary Mar kasama si Food Security Czar Kiko Pangilinan ang pagsalakay sa isang bodega ng bigas sa Malolos City na pagmamay-ari ni Soliman.

Nilusob ang nasabing bodega nang makatanggap ng ulat na mayroong nagre-repack ng bigas na hinahaluan ng animal feeds.

What the fact!?

Mantakin n’yo naman, ang nag-iisang heredero ni Judy Araneta, inaakusahang nangingikil ng P5 milyon?

Hindi natin ito kayang paniwaalaan dahil mayroon tayong kaibigan na may napakasamang karanasan kay kay Jojo Soliman sa usapin ng pera.

Isang panahon (GMA administration) na napakalakas ng mag-amang Soliman (Joaquin) sa Bureau of Customs, isang kaibigan natin ang lumapit sa kanya na may naipit na kargamento sa Customs at hiningan niya ng P10 milyones para ‘ipang-ayos’ daw.

Inabot na ng maraming buwan at naabo na yata ‘yung P10 milyon pero hindi nailabas ni Soliman ang hinihinging tulong ng ating kaibigan.

At nang komprontahin ng importer si Jojo na kung walang resulta sa pinalalakd niya ay isoli na lang ang pera sa kanya.

Ang sagot ng damuho sa importer: “Nagastos ko na ‘yun pera sa customs at hindi ko pwede sabihin sa inyo kung sino ang binigyan ko ng pera.”

Kamote ka ba Jojo na magbibigay ng malaking pera sa customs nang walang kasiguraduhan sa nilalakad mo!?

Nalaman na lang ng importer na nagpatayo pala ng malaking bahay sa Marina si Mr. Jojo Soliman.

Sonabagan!!!

Hihintayin natin ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kasong extortion na ang isinasangkot ay sina Roxas, Kiko at Arthur Juan, ang administrator ng National Food Administration (NFA).

Sa kanyang reklamo sa NBI, inakusahan ni Soliman si Juan at ang kanyang assistant na isang Patricia Galang, na hiningan siya ng P15 milyon kapalit ng pagbabalik sa kanilang ‘negosyo.’

Sinabi umano ni Juan na maghahati sila nina Roxas, at Kiko sa P15 milyones.

Tsk tsk tsk …

Mukhang sumablay si Soliman sa operasyon na ito, si Mar na isang heredero at si Kiko na kahit hindi na magtrabaho ay hindi magugutom sa piling ni mega Shawie ay isinangkot sa P15-million extortion?!

Sa lakas daw ng koneksyon ni Jojo sa NBI ‘e bakit hindi n’ya pina-entrap si Mr. Juan!?

Hindi ba dapat kasuhan din siya ng panunuhol (bribery) sa kanyang ginawa?!

Abangan natin kung kanino magbo-boomerang ang operation ni Soliman.

KUYA JOBERT AUSTRIA NG BANANA SPLIT IPA-DRUG TEST!

MAY PAPATAY ba talaga o napraning ang komedyanteng si Jobert Austria?!

Tinangka ni Jobert praning na tumalon sa 6th floor ng SOGO hotel sa Quezon Ave., na paboritong lugar umano ng mga adik at tulak.

Hindi dapat palampasin ng management ng ABS CBN ang insidenteng ito na kinasasangkutan ng kanilang talent. Ang pagka-PRANING ay isang sintomas ng sobrang paggamit ng illegal na droga gaya ng SHABU.

Kamakailan ay may isang nalaos na artista rin na napraning at nagtatatakbo sa loob ng kusina ng isang Jollibee branch dahil may humahabol at papatay rin sa kanya.

Kung positibo, dapat tulungan ng estasyon ang kanilang talent para sa pagbabagong-buhay.

Sa sunod-sunod na napapabalitang pagkagumon sa droga ng ilang artista, panahon na siguro para bantayan nila ang kanilang hanay laban sa mga ‘tulak’ na paikot-ikot lang sa kanilang industriya.

Huwag ninyong tangkilikin ang masamang bisyo. Kaya sila nagtatagal sa industriya ninyo ay dahil tinatangkilik ninyo.

Itigil ang masamang bisyo, ‘yun lang ang solusyon d’yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *