MUKHANG matindi ang ginagawang pagkasa ng Malakanyang laban sa Korte Suprema.
Hindi lang pinag-iinitan, pinanggigigilan na ni Pangulong Noynoy ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) Supreme Court justices.
Sa huling development kasi, nanindigan ang Supreme Court na wala silang itinatago at hindi ito dapat gamagamit na black propaganda ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa kanila.
Ayon kay SC Pubic Public Information Office (PIO) chief, Atty. Theodore Te, nagbibigay sila ng kopya ng SALN ng mga justice sa media, civil society, law students basta’t lahat g rekesitos na itinatakda ng Korte ay kanilang nasusunod.
“Please note that the SC has never said they are exempt from the SALN requirement nor that they are creating a new rule for themselves. That members of the media and civil society, including law students, have been able to obtain copies of various SALNs of the Justices is proof enough that the SC Justices are not hiding anything,” ani Te.
Pero mukhang hindi kontento ang Malakanyang dahil mismong si Pangulong Noynoy na ang humarap sa Supreme Court at sinabing ‘yang hindi pagiging tapat sa kanyang SALN ang nagpatalsik kay dating Supreme Court Cheif Justice Renato Corona.
Nauna nang tinanggihan ng SC ang hiling ni BIR Commissioner Kim Henares na bigayn sila ng kopya ng SALN ng justices, officers at employees ng judiciary.
Sa resolusyon na inilabas ng SC nitong Hunyo 17, na natanggap ng BIR nitong Hulyo 22, tinanggihan nila nag kahilingan ni Commissioner Henares dahil, “lack of sufficient basis.”
Pero hindi na pinalawig ng hukuman ang paliwanag na ito.
Tsk tsk tsk …
Nag-umpisa sa idineklarang illegal ang Disbursement Acceleration Program (DAP) nagwakas sa paghahanap ng Malacañang sa SALN ng justices.
Hanggang saan aabot ang banggaang ito at ano ang mahihita ng sambayanan sa benggahan ng ehekutibo at hudikatura?
Hindi natin alam. Pero ang tiyak, mas maraming Juan Dela Cruz ang magpapasan ng epekto ng benggahan ng dalawang sangay ng pamahalaan.
Maghanda ka na JUAN DELA CRUZ!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com