Saturday , November 23 2024

Jobless utas sa kadyot ng kaaway

TODAS sa tatlong malalalim na saksak ang isang jobless nang tarakan ng isa sa nakaalitan habang kasama ang mga kaibigan sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Hindi na umabot nang buhay bago idating sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang biktimang si Victor Villamor, 40, walang trabaho, ng 2935 Jose Abad Santos St., Tondo, Maynila.

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na si Jojo Arisala, alyas Bulag, na tumakas matapos ang krimen.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rommel del Rosario, ng Manila Police District- Homicide Section (MPD-HS), dakong 11:30 p.m. naganap ang insidente sa Bagac St., Tondo.

Nasa loob ng bahay ang biktima kasama ang mga kaibigan nang pumasok ang suspek, nakisali sa usapan hanggang magkaroon ng pagtatalo sa ‘di nabatid na dahilan.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo, lingid sa kaalaman ng biktima, armado ng patalim ang suspek na sunod-sunod na itinarak sa kanya.

Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya sa pangyayari.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *