Aries (April 18-May 13) Haharapin mo ang responsibilidad sa mga miyembro ng pamilya, mga anak at sa iyong sweetheart na napabayaan mo nitong nakaraang mga araw.
Taurus (May 13-June 21) Bunsod ng emosyon, maaaring balikatin mo ang responsibilidad kaugnay sa miyembro ng pamilya na hindi naman iniatang sa iyo.
Gemini (June 21-July 20) Lalapitan ka ng ilang mga kaanak o kapitbahay at hihingi ng pabor sa iyo.
Cancer (July 20-Aug. 10) Bunsod ng kawalan ng kompyansa sa iyong abilidad, magdadalawang-isip kang tumanggap ng bagong proyekto.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Malulungkot ka makaraang makausap sa telepono ang kaanak na nakatira sa malayong lugar.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ngayong araw ay maaaring magnilay-nilay ka. Iisipin mo kung tama ba ang iyong mga naging desisyon.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang obligasyon sa mga kaibigan o grupo ang posibleng makahadlang sa iyong panahon para sa partner.
Scorpio (Nov. 23-29) Maaaring magising ka ngayong umaga at magdesisyong magsagawa ng general cleaning sa inyong bahay.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring magbunga na ang pagbubuhos ng panahon at atensyon sa iyong career.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Isang nakatatandang bisita ang maaaring dumating sa inyong bahay, posibleng para tulungan kang matapos ang gawain.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Maaaring magsagawa ka ng libreng serbisyo sa inyong komunidad. Malaki itong pakinabang sa kanila.
Pisces (March 11-April 18) Bunsod ng iyong pagsusumikap at pagtitiyaga, ikaw ay magkakaroon ng ekstrang kita.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maging mag-ingat, reyalistiko ngunit huwag masyadong makunat sa paggastos.
Lady Dee