KAPWA patay ang isang barangay kagawad at isang jail warden ng Nueva Ecija nang ratratin ng sunod-sunod na putok ng baril ng riding-in tandem sa magkahiwalay na lugar sa Cabanatuan City, iniulat kahapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Kagawad Charlie Estares, 50, ng San Isidro resettlement, Magalang, Pampanga at SPO1 Enrico Campos, retiradadong pulis ng Cabanatuan City, na kasalukuyang jail warden sa NE Provincial Jail nang tambangan.
Binaril si Estrares habang nasa harapan ng kanyang bahay bandang 6:30 a.m. habang si Campos ay tinambangan habang pauwi lulan ng kanyang Honda Wave motorcycle (VK-8403) sa Maharlika Highway, Barangay Mayapyap, Cabanatuan City.
ni RAUL SUSCANO