ARAYKUPO!
Mukhang mas masakit pa sa sampal ni Quezon City Herbert ‘Bistek’ Bautista sa Chinese illegal-drug trader ang pagkakasupalpal ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Commission on Human Rights Chair Loreta “Etta” Rosales.
Kinatigan kasi ni Mayor Duterte na tama lang ang ginawa ni Mayor Bistek, ‘e kung sa kanya nga raw hindi lang sampal ang aabutin ng nasabing Chinese shabu dealer.
Pero sinabihan ni Chair Epal ‘este Etta ng “shut up” at “wrong signal to law enforcers” si Mayor Duterte dahil sa kanyang pahayag.
Sabi ni Madam Etta, hindi raw magandang EKSAMPOL ‘yun.
Hindi natin alam kung nang-aagaw ng limelight si Madam Epal ‘este Etta o talagang parang robot lang siya na bigla na lang nagkokomentaryo na hindi man lang muna nag-iisip?!
Ang tanong ni Mayor Duterte, ano nga ba ang moral authority ni Chair Epal este Etta Rosales para pagsabihan siya?!
Sabi pa ni Mayor Duterte, wala sa position si Madam Epal este Etta para turuan siya kung ano ang dapat niyang gawin.
”She is not the guardian of the morals of this country. Tell that to the old lady,” paabot na pahayag ni Duterte para kay Madam Etchas ‘este Etta.
“Wala siyang pakialam. I am a citizen of this republic. I can say what I want. Tell her to stop nagging.”
Aniya si Madam Etta ang dapat mahiya dahil nasa listahan siya ni Janet Lim Napoles na nag-cash advance.
Aruykupo!
E kasi naman Madam Chair Epal ‘este Etta, esep-esep din muna bago dumakdak at umepal.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com