Monday , December 23 2024

Epal ‘este Etta Rosales supalpal kay Mayor Rodrigo Duterte

00 Bulabugin

ARAYKUPO!

Mukhang mas masakit pa sa sampal ni Quezon City Herbert ‘Bistek’ Bautista sa Chinese illegal-drug trader ang pagkakasupalpal ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Commission on Human Rights Chair Loreta “Etta” Rosales.

Kinatigan kasi ni Mayor Duterte na tama lang ang ginawa ni Mayor Bistek, ‘e kung sa kanya nga raw hindi lang sampal ang aabutin ng nasabing Chinese shabu dealer.

Pero sinabihan ni Chair Epal ‘este Etta ng “shut up” at “wrong signal to law enforcers” si Mayor Duterte dahil sa kanyang pahayag.

Sabi ni Madam Etta, hindi raw magandang EKSAMPOL ‘yun.

Hindi natin alam kung nang-aagaw ng limelight si Madam Epal ‘este Etta o talagang parang robot lang siya na bigla na lang  nagkokomentaryo na hindi man lang muna nag-iisip?!

Ang tanong ni Mayor Duterte, ano nga ba ang moral authority ni Chair Epal este Etta Rosales para pagsabihan siya?!

Sabi pa ni Mayor Duterte, wala sa position si Madam Epal este Etta para turuan siya kung ano ang dapat niyang gawin.

”She is not the guardian of the morals of this country. Tell that to the old lady,” paabot na pahayag ni Duterte para kay Madam Etchas ‘este Etta.

“Wala siyang pakialam. I am a citizen of this republic. I can say what I want. Tell her to stop nagging.”

Aniya si Madam Etta ang dapat mahiya dahil nasa listahan siya ni Janet Lim Napoles  na nag-cash advance.

Aruykupo!

E kasi naman Madam Chair Epal ‘este Etta, esep-esep din muna bago dumakdak at umepal.

CHA-CHA NA NAMAN!?

NAKALALASING talaga ang kapangyarihan, lalo na doon sa mga sidekicks at alalay.

Kaya heto na naman, karanasan na nating mga Pinoy na tuwing matatapos ang termino ng nakaupong Presidente ‘e bigla na naman umuugong ang CHARTER CHANGE o CHA-CHA.

Sa Charter Change kasi, pwedeng baguhin doon ang termino ng Pangulo ng bansa.

Ini-locked na kasi ng  Nanay ni PNoy — ang namayapang dating Pangulong Cory Aquino — ang termino ng mga Pangulo sa anim na taon para huwag na raw maulit ang masamang karanasan ng bansa sa ilalim ng 20-taon batas militar.

Pero pagkatapos ng termino ni Madam Cory, at sumunod na naging presidente ang dating hepe ng Philippine Constabulary (PC) na nasi Fidel V. Ramos, naging maugong na ang CHA-CHA.

Hindi man natapos ni Erap Estrada ang kanyang termino bilang Pangulo dahil convicted plunderer at pinatalsik siya ng sambayanan pero naging maugong din sa panahon niya ang CHA-CHA.

At paulit-ulit na nangyayari ang pagpapaugong ng CHA-CHA tuwing nalalapit ang pagtatapos ng termino ng mga PANGULO.

Hanggang ngayong panahon ni PNoy.

Testing the water daw, sabi ng mga bright boys ni PNoy…pinakikiramdaman ang pulso ng taong bayan.

Pero, ang suspetsa nga natin, mukhang ‘yung mga sidekicks at alalay sa Palasyo ang nagpapaugong ng mga ganitong ideya.

Sino nga naman ang hindi mahahaling sa kapangyarihan?!

Pero hindi ba kayo napapagod?

Aba ‘e mapagod naman kayo, lalo na kung wala naman kayong nagagawang maganda para sa bayan.

Pagpahingahin n’yo naman si PNoy nang maasikaso naman niya ang kanyang personal lovelife … ay sus … lalong napanot na nga siya ‘di ba?

Tigilan n’yo na ‘yang CHA-CHA n’yong panot … ang gusto lang namin CHA-CHA ‘e ‘yung CHA-CHANG kyut ni Ryzza Mae …

Boom panes!

ASO NI MAJOR MEL DE LOS SANTOS NANGAGAT NG PASAHERO

NANG malaman natin ang insidenteng ito, inakala ng inyong lingkod na K-9 DOG ang nakakagat sa kawawang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pero mali pala ang ating akala …

Ang nakakagat na aso, isang ‘super-tisoy’ (mixed breed dog) ay alaga pala ni Major Melchor de los Santos na dinala niya sa airport dahil wala raw mapagiwanan sa kanilang bahay.

Nakagat ni Major de los Santos ‘este’ ng aso n’ya nitong Agosto 3, ang isang pasahero na kinilalang si Henry Prile, na kagagaling lang mula sa Shanghai, China.

Kalalabas umano ni Prile sa comfort room sa tabi ng opisina ni Assistant General Manager for Security and Emergency Services (AGM-SES), retired Gen. Vicente Guerzon nang sakmalin ng aso ni De los Santos sa kanyang kanang binti.

Agad naman dinala sa clinic si Prile, nilinis ang sugat at sinaksakan ng anti-tetanus. Pinayuhan din daw ang pasahero na magpasaksak ng anti-rabies vaccine.

Sa bahagi ni Major De Los Santos, nangako siya na ipaaalam kay Prile at sa Airport medical unit kapag may nakitang kakaibang kilos sa kanyang aso, epekto ng rabies virus.

What the fact, talaga oo!!!

Saan ka naman nakakita ng airport na may askal este ‘super-tisoy’ na aso sa comfort room!?

Hindi pa ba nakabibiyahe sa ibang bansa si Major De Los Santos at hindi niya naiintindihan na ang naapektohan sa ganyang mga kaignorantehan ‘e ang buong bansa lalo ang seguridad sa ating Airports?!

Ipinag-utos na raw ni Airport Asst. GM for Security & Enforcement ret. Gen. Vicente Guerzon na tanggalin agada ang nasabing aso sa airport para hindi na maulit ang nasabing insidente.

Tsk tsk tsk …

Buti na lang hindi si AGM Guerzon ang nasakmal at nakagat ng aso dahil malapit lang dito ang opisina n’ya.

‘Di ba, Major De Los Santos?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *