Sunday , November 17 2024

MRT-LRT, bagon ba o kabaong!?

00 Bulabugin

KUNG hindi tayo nagkakamali, pinangarap ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang pagtatayo ng Light Rail Transit (LRT) bilang mass transportation nang sa gayon ay makaagapay sa bilis ng pag-unlad ng ibang bansa sa Asia.

Naisakatuparan ang LRT sa bansa, sa panahon na bullet train na ang uso sa JAPAN.

Maraming mga Pinoy lalo na ‘yung mga manggagawa, ordinaryong empleyado at mga estudyante ang nakinabang at natuwa sa LRT.

Nakatipid sila nang malaki sa pasahe, sa oras at naging komportable ang kanilang pagbibiyahe.

Naalala ko pa noon, nang ako’y madalas sumakay sa LRT, mabilis at maginhawa ang biyahe. Walang pilang napakahaba.

Pero nang pumasok ang mga bagong liderato sa bansa, sa ilalim umano ng ‘DEMOCRATIC SPACE’ aba ‘e nagkaletse-letse ang operasyon ng LRT lalo na nang muling maging pribado ang Meralco.

Saan kayo nakakita ng sistemang, ang train system ay nagbabayad ng malaking halaga ng konsumo sa koryente sa isang pribadong kompanya gaya ng Meralco?!

Sa koryente pa lang, wala nang kikitain ang LRT.

Idagdag pa ang MRT para sa EDSA route at magiging dugtungan ng iba pang LRT lines mula sa Metro Manila patungong mga karatig probinsiya.

Sa madaling sabi, ang train system ay ginawa ni Marcos para mapabilis ang lahat ng transaksiyon sa bansa pero ang Meralco noon ay kontrolodo at nasa ilalim ng gobyerno.

‘E ibinalik ng namayapang Pangulong Cory sa mga Lopez ang Meralco, hayun, naunsyami ang tunay na pag-unlad ng mass transportation sa bansa.

Ngayon sa ilalim ng administrasyong PNoy, ilang beses nang nagkaletse-letse ang operasyon ng MRT. Sumabog na rin ang iba’t ibang eskandalo kaugnay ng bidding para sa mga bagong bibilhing bagon kaya hindi na nakapagtataka kung puro disgrasya ang inaabot natin.

‘E puro kasi kuwarta at pagkakakitaan kaagad ang iniisip ng mga opisyal ng gobyerno.

Isang private company naman ang may hawak ng maintenance service ng MRT na binabayaran ng mahigit P50 milyones kada buwan pero paulit-ulit pa rin ang mga bulilyasong nagaganap.

Sabi pa ni DOTC Sec. Jose Emilio Aguinaldo Abayad ‘este’ Abaya, paumanhin sa mga pasaherong nasugatan.

Anak ng tungaw!!!

Mabuti na lang at walang namatay sa insidenteng ‘yan!

Sonabagan!!!

Ang gusto kasi, pagkakitaan ang MRT, hindi ‘yung makapagbigay ng maayos na serbisyo sa commuters …

Kaya kapag sumakay kayo sa LRT/MRT tanungin ninyo ang sarili ninyo: BAGON ba ito o KABAONG?!

‘Di ba, transportations and communications bossing Jose Emilio Aguinaldo Abaya?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *