SABI nga: tahimik ang buwaya kapag busog at hindi nagugutom.
Mukhang ganyan ngayon ang nangyayari sa JUETENG operations nina KENNETH YUKO at BOLOK SANTOS sa South Metro Manila.
Dahil busog pa sa ‘isinubong’ P12 milyones na goodwill, tahimik at parang walang nakikita, naririnig at hindi pinag-uusapan ng mga responsableng opisyal ng Philippine National Police (PNP) Camp Crame ang jueteng ni KENNETH INTSIK at BOLOK SANTOS.
Kaya naman tuloy ang ligaya sa kanilang kobransa sina Intsik at Bolok sa mga nakalatag nilang jueteng operations sa Pasay, Makati, Taguig, Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa cities.
Huwag na tayong magtaka kung isang araw ‘e maging dalawa ang ‘WHITE HOUSE’ sa Camp Crame o kaya magkaroon na rin ng WHITE HOUSE sa Southern Police District (SPD) … sa katas ng jueteng nina KENNETH INSTIK at BOLOK SANTOS.
Balita nga natin ‘e malapit na raw umulan ng sports utility vehicles (SUVs) para sa mga ‘mababait’ na chief of police at station commanders d’yan sa South Metro.
Naku, PNP-SPD district director Gen. Jose Erwin Villacorte, hindi mo pa nga natutuklasan kung sino ‘yung PNP official na mayroong dalawang bagong SUV na nakapangalan sa esmi, ‘e madaragdagan pa ng mula kina Kenneth at Bolok.
Ang swerte-swerte naman ng mga BOSSING na pulis sa SPD?!
Ayon sa ating sources, hindi raw nanghihinayang magregalo sina Kenneth Intsik at Bolok Santos ng SUV kasi nga walang nangliligalig sa kanila …
Inuulit ko lang … ‘yan ay dahil busog pa ang mga ‘BUWAYA.’
‘E paano kapag nagutom na?!
Kakasa pa kaya ng panibagong P12 milyones sina Kenneth at Bolok?!
Pakitanong na nga po kay Gen. Villacorte, Gen. Carmelo Valmoria and Dir. Gen. Alan Purisima …sabay KAPA na rin sa mga ulo ninyo at baka hindi ninyo nararamdaman na malaki na pala ang mga BUKOL ninyo …
‘Yan naman ay kung nabubukulan lang kayo … ‘e kung hindi … ‘e ‘di malinaw na HAPPY kayo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com