Nanagnip aqu na my matandang lalaki daw po na lumapit sa akin, kinausap nya aqu, tapos naming mag-usap ay hinalikan nya aqu sa pisngi qu, nagulat aqu sir dahil hindi qu naman siya kilala at iniisip qu talaga, kung saan qu siya nakita pero hindi qu talaga siya kilala e. Call me pinkmamma, wag mo po ipapablis ang cp qu, tnx!!
To Pinkmamma,
Ang panaginip ukol sa halik ay may kinalaman sa love, affection, tranquility, harmony, at contentment. Maaari rin na ito ay may kaugnayan sa iyong paghahanap ng bagong pagmamahal o ng taong kakalinga sa iyo, kaya nagiging ganyan din ang tema ng bungang tulog mo.
Hinggil naman sa napanaginipan mong matanda, ito ay maaaring nagre-represent naman ng wisdom or forgiveness. Ang matanda ay maaari rin namang archetypal figure na nagpapakita ng guidance o patunubay sa pang-araw-araw nating suliranin. Isipin mo kung ano ang koneksiyon ng matandang lalaki sa kasalukuyang sitwasyon na iyong kinakaharap. Maaari rin kasing nagre-represent siya ng iyong tatay o lolo na laging gumagabay o umaalalay sa iyo, lalo na sa panahong kailangan mo talaga ng patnubay at tulong.
Señor H.