GUMACA, Quezon – Dumulog sa himpilan ng pulisya ang 11-anyos batang lalaki kasama ng kanyang ama makaraan halinhinang gahasain ng dalawang bading sa fitting room sa loob ng department store sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa.
Itinago ang biktima sa pangalang Honesto, residente ng nasabing bahay.
Habang kinilala ang mga suspek na sina Ronnel Nemedez Barcel, alyas Kuni, at Leo Gonzales Komiso, alyas Puyo, kapwa nasa hustong gulang, ng naturan ding bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang panggagahasa dakong 9:55 a.m. habang nagsusukat ng short sa fitting room ang biktima sa loob ng isang department store.
Salaysay ng biktima, bigla na lamang pumasok sa fitting room ang isa sa mga suspek at siya ay inulos sa kanyang puwet.
Pagkaraan ay pumasok ang isa pang suspek at isinubo ang kanyang ari.
Sa follow-up operation ng mga awtoridad ay agad naaresto ang mga suspek na ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng Gumaca Police Station. (RAFFY SARNATE)