HANGGANG ngayon pala ay ‘matibay’ pa rin ang koneksiyon ni Tayabas Mayora ‘este’ Mayor Dondi Silang sa mga kasabwat niya sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Quezon Province.
‘Yan umanong mga kasabwat na ‘yan ni Mayor Dondi, ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi nasususpendi si Mayor Dondi at ‘yung mga tinatawag na kanyang ‘cohorts’ sa City Council.
Ang kaso ni Mayor Dondi at kanyang mga kasama ay mayroong case number OMB-L-A-11-0577-J/OMB-L-11-0667-J, De Torres, Et Al. Vs. Silang Et Al.
Naghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Silang sa nasabing kaso gamit ang Aguinaldo Doctrine na hindi pwedeng suspendihin ang mayor, vice mayor at mga konsehal ng City Council dahil wala na umanong matitirang opisyal na mamamahala sa local government unit ng Tayabas.
Pero hindi ito tinanggap ni Ombudswoman Conchita Carpio-Morales kaya inutusan ang DILG Quezon sa pamumuno ni provincial director ENRICO O. DAMOT na ipatupad ang suspensiyon ni Silang Et Al.
Nitong Hunyo 2014 lang po ‘yan, pero nakapagtataka na Agosto na ‘e hindi pa rin nasususpendi ang TROPA NI DONDI.
E bakit?!
MISSING daw kasi sa DILG ang Ombudsman suspension order sa TROPANG DONDI.
Ibig sabihin ba n’yan ‘e sinusuway ni Damot ang utos ng Ombudsman?
O totoo ang balita na ‘MALAKING HALAGA’ umano ang pinakawalan ng TROPANG DONDI para hindi ipatupad ng DILG Quezon ang suspensiyon?!
Masamang kostumbre ‘yan Mr. DAMOT …
Ang DAMOT naman ng KATARUNGAN para sa constituents ng Tayabas.
Kailan ninyo ipatutupad ‘yan, Mr. Damot?!
Paging OMBUDSMAN!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com