NAG-LEVEL UP na pala ang fixing operation ng dalawang notoryus fixer na sina Betty Chuwawa at Annie Siy sa Bureau of Immigration (BI).
Mainit sila ngayon sa BI Civil Security Unit (CSU) dahil mahigpit silang pinababantayan ni Immigration Commissioner Siegfred Mison ‘e ginagamit nila ‘yung isang alias “NANNY” sa kanilang fixing activities.
Madalas nga raw makita na maraming bitbit na envelope at dokumento si “NANNY’ kapag pumapasok sa BI main office.
Sila rin ngayon ang tumatrabaho sa mga overstaying Chinese nationals.
Ayon sa ating mga source, para nga naman hindi ma-BLACKLIST, magbayad ng malaking penalty at makakuha ulit ng VISA sa China ang mga overstaying Chinese nationals ‘e pinalulusot nilang makalabas nang ‘AYOS’ sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 (NAIA T2).
Umaabot sa P80,000 hanggang P100,000 bawat ulo ang bayaran.
Isa umanong alyas ‘PWET’ ang kasabwat nina Betty Chuwawa at Annie Siy sa NAIA T2 para alalayan ang mga pinalalabas nilang overstaying Chinese nationals.
Magaling daw magkamada si alyas P’WET.
Alam na alam n’ya ang duty/assignment ng mga Immigration Officers sa biyaheng China at Hong Kong.
Itinatapat niya ang palulusotin na Chinese pax sa mga IO na kayang-kaya niyang tsubibohin!
Madali raw makilala si alyas ‘P’WET’, siya raw ‘yun mahilig magsipsip-kuhol at mag-text kay Comm. Fred Mison kahit hindi sa kanya ang accomplishment?!
Ayon pa sa ating unimpeachable source, mahina ang 10 overstaying Chinese nationals na ikinakamada nina Betty Chuwawa at Annie Siy bawat linggo.
Kaya kung totongo-tongo lang ang mga CSU para bantayan ‘yang dalawang beteranong fixer sa Immigration main office na sina Betty Chuwawa at Annie Siy ‘e kayang-kaya lang silang paikutin ng ‘remote control nanny’ ng dalawa.
Huwag na kayong magtaka kung bakit EVERYDAY HAPPY na naman sina ‘P’wet, Betty, Annie and Nanny.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com