Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko, nasa bahay raw ako nung brgy captain na textmate ko at nung akmang mag-uumpisa nang may mangyyari sa amin biglan (…..) (…..) 092723203—
To 092723203—,
Putol ang text mo kaya hindi ko inilagay ang huling two digits ng cell phone number mo dahil baka ayaw mo itong ipa-post sa Hataw. Anyway, kung ang sinasabi mong ‘noong akmang mag-uumpisa nang may mangyari sa amin’ ay ukol sa sex, posibleng ang panaginip mo ay nagsasaad ng kawalan ng satisfaction sa iyong sex life kung ikaw ay may-asawa o kasintahan na. Kung wala naman, ang kahulugan nito ay ang kakulangan ng init o aksiyon sa iyong sex life at paghahanap ng karelasyon o taong mamahalin. Sa kabilang banda, nagpapakita rin ito ng iyong agam-agam sa pakikipagrelasyon, lalo na kung ang pinagdaanang relasyon ay isang masalimuot na karanasan para sa iyo. Kung ikaw naman ay may asawa na, makabubuting mag-usap kayo nang maayos upang maresolba ang hindi pagkakaintindihan at anumang bagay na nagiging hadlang upang mas maging mabuti at punum-puno ng init ang inyong pagmamahalan. Pahalagahan ang bukas na komunikasyon at ang pagiging mahinahon sa isang relasyon dahil may gagampanang mahalagang bagay ito sa iyo.
Kung mali ako ng intindi sa text mo dahil putol nga ang dumating o pumasok sa akin na mensahe mo, mag-text ka na lang ulit. Salamat sa iyo.
Señor H.