TINIYAK ng Palasyo na susunod nang masasakote ng mga awtoridad ang iba pang high-profile fugitives na si dating Rep. Reuben Ecleo at Reyes brothers, makaraan bumagsak sa kamay ng batas ang puganteng si retired Maj. Gen. Jovito “The Butcher” Palparan.
“Patuloy naman silang kabilang doon sa mga high-profile na at large suspects in criminal cases at patuloy din ‘yung pagkilos ng ating mga alagad ng batas para sila ay matunton at mapanagot,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.
Si Ecleo ay may kasong parricide bunsod nang pagpatay sa kanyang asawa, habang si dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid na si dating Narra, Palawan Mayor Mario Reyes ay pangunahing akusado sa pagpaslang sa environmentalist na si Doc Jerry Ortega.
(ROSE NOVENARIO)