Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga ‘bagyong’ pa-sakla sa CaMaNaVa (A.O.R. ng PNP-NPD)

00 firing roque

KAMAKAILAN lang ay hinagupit ng bagyong ‘Glenda’ and Metro Manila. Binaha ang mga pangunahing kalsada at itinumba ang mga poste kundi man ay pinatid ang mga linya ng kuryente kaya naman nangapa sa dilim ang halos lahat ng nasa Kamaynilaan at ilang probinsiya sa Luzon.

Lumayas na ang Glenda pero may ibang klaseng mga “bagyo” ang patuloy na nananalasa sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (Camanava), bumabaha ng pasugalan sa maraming lugar at naaapektohan ang moralidad ng mga residente at komunidad na sinasalanta nito.

Si bagyong “Lucy” ay isang halimbawa. Walang makadadaig sa kanyang impluwensiya sa pagkalat ng mga saklaan (Spanish card game) sa Camanava at Quezon City.

Bagyo man daw si Lucy sa mga pulis at munisipyo sa Camanava, nagtatago naman siya sa saya ni “Poleng” na isa paring bagyo sa lara-ngan ng saklaan. Bakit kaya?

Ayon sa mga espiya, gusto ni Lucy na pa-labasin sa mga bumabatikos sa kanya, lalong-lalo na kay Rep. Toby Tiangco, na tumigil na siya kuno sa negosyong sakla.

Kaya si Poleng na daw ang nagpapatakbo ng negosyo sa Camanava

na umaabot pa sa ilang lugar sa Quezon City sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Quezon City Police District Stations 1 at 3.

Itinatago niya ang kanyang mga saklaan sa mga lamayan para magmukhang libangan lang ng mga naglalamay at hindi papansinin ng awtoridad.

Ang mata ng “bagyo” ay nasa Grace Park area, kung saan naglipana ang mga puwesto ni Poleng na pinalalakad ng isang “Marlyn”, ang pinagkakatiwalaang pamangkin ni Lucy.

Nasapol din ng bagyong si “Totie” ang Valenzuela dahil malakas din daw siya sa mga pulis kaya hindi mahuli-huli ang kanyang mga saklaan at bookies ng karera sa siyudad.

Bukod sa mga bagyong ito, ‘tila nangangamote ang mga awtoridad; parang wala silang magawa upang sugpuin ang mga bookies ng karera ni “Danny Kamote” na nagsusulputang parang kabute sa buong Camanava. Dumaragdag pa rito ang mga puwesto ni alyas “Nancy” sa Caloocan.

Sa Malabon, bumabaha naman ng mga ko-lektor ng loteng ni Mario Bokbok.

Bumabayo naman ang malakas na hangin ng kayabangan ng hari ng video karera na si Buboy Go.

Bagyung-bagyo raw ito, ayon sa mga espiya, kay Malabon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta. Hanggang ngayon kasi’y walang makapagpatigil sa mga operasyon ng video karera na nananatiling talamak sa lungsod.

Nagkalat ang mga makinang video karera sa Malabon, at mistulang nakatali ang kamay ni Senior Supt. Severino Abad laban sa pagsugpo rito, dahil ang city police ay nasa ilalim din ni Oreta.

Hindi kaya ubrang disiplinahin ni Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa publiko si Oreta dahil sa kawalang aksiyon? ‘Di kaya dahil ang mga Oreta ay kaanak ng mga Aquino?

Ganoon din ang sitwasyon sa Valenzuela. Ang bagyo raw doon ay isang “Bong Co”.

Ayon sa mga “weather” forecasters na aking nakapanayam, kayang patigilin ng NPD at ng mga alkalde ng mga nasabing siyudad ang mga pasugalan kung talagang nanaisin nila ito.

Chief Supt. Edgar Layon, NPD director, may PAGASA pa po ba na hindi na tirhan ng mga “bagyo” ang Camanava?

Sabi rin ng mga forecaster na kaya di raw po inuupuan ang problema ay gusto rin ng ilang opisyal na maanggihan sila ng ulan na dala ng mga “bagyo” habang sila ay nakapuwesto.

Weather-weather lang, ‘ika nga.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

ni Robert B. Roque, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …