LASOG ang katawan ng isang 6-anyos paslit na babae nang tumilapon nang mabundol ng van sa Amadeo, Cavite, kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Jomerlyn Lagonilla, ng Brgy. Dagatan, Amadeo, habang nasa kustodiya ng Amadeo PNP ang suspek na si John Villena, 44, ng Brias St., Nasugbu, Batangas.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite PIO chief, Supt. Gerardo Umayao, dakong 5:45 p.m., minamaneho ng suspek ang Mitsubishi L300, may plakang CMZ-568, sa C.M. Delos Reyes, Brgy. Dagatan, nang biglang tumakbo at tumawid ang biktima kaya hindi niya naiwasan. (Beth Julian)