WALANG malaki o maliit na negosyante ngayon sa administrasyon ni Erap.
Lahat ng negosyante, kung hindi mahal na singil ng koryente ang inirereklamo ‘e ang pahirap na mga patakaran ng mga ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng adminsitrasyon ni PNoy.
Gaya na lang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Bureau (LTFRB) na pinamumunuan ng abogagong este abogadong si Winston Gines na mayroon na naman naimbentong bagong pahirap ‘este’ patakaran.
Lahat daw ng sasakyan na ginagamit ng isang kompanya o negosyante sa kanilang delivery ay dapat daw magkaroon ng specific permit o prangkisa depende sa kanilang industriya.
Halimbawa kung ang sasakyan ay nagde-deliver ng bigas, dapat itong ikuha ng permit. Lahat ng sasakyan na ginagamit sa pagde-deliver ng bigas ay dapat irehistro.
Sonabagan!!!
Mantakin ninyo, sariling sasakyan na ng negosynate ‘yung ginagamit niya sa negosyo, ikukuha pa ng permit sa LTFRB!
Kapag hindi ikinuha ng permit, ‘e idedeklara umanong kolorum ang nasabing sasakyan.
What the fact?!
Only in the Philippines lang talaga na sobra-sobra ang ginagawang pagpapahirap sa mga negosyante.
Sabi nga ng mga nabubwisit na negosyante … “Sa Pinas, kapag gumawa ng illegal, sumisikat at dumarating pa ang panahon na nabibigyan ng parangal, pero kapag nagnegosyo nang legal, katakot-takot na dagdag-pahirap ang ipinapataw sa mga negosyante …
Ang daming naging presidente sa bansa, bukod tanging sa PNoy administration lang nangyayari ang ganito.
Magtataka pa ba tayo kung nag-aalboroto na ang mga negosyante sa administrasyon ni PNoy?!
Pangulong Noynoy, ano ba ang naitutulong ni Gines sa administrasyon ninyo at hinahayaan lang ninyo ang mga ka-estupidohan niya sa LTFRB?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com