ISANG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang mister na binaril ng aramadong naka-bonnet habang nanonood ng tong-its sa isang lamayan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng isang tama ng punglo sa ulo ang biktimang si Eugenio Olaso, alyas Tata, 34, ng Phase 9, Package 8, Block 78, Lot 32, Brgy. 176, Bagong Silang, ng lungsod.
Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong 12:30 a.m., nang maganap ang insidente sa lamay ng patay na kapitbahay ng biktima.
Nanonood sa mga naglalaro ng tong-its ang biktima nang dumating ang suspek na biglang binaril ang biktima saka mabilis na tumakas.
(ROMMEL SALES)