TODAS sa pamamaril ang isang 23-anyos na lalaki na bibili lamang ng pandesal sa Navotas City, kahapon.
Dead on the spot si Kevin Villanueva, 23, ng Block 21, Gov. Pascual St., Bry. San Roque, Navotas, dahil sa tama ng bala ng baril sa dibdib.
Dakong 6:30 a.m. naglalakad ang biktima sa Roldan St., Dulong Gold Rock, ng nasabing barangay para bumili ng pandesal nang salubongin ng hindi nakikilalang gunman saka pinaputokan.
Ayon sa saksing si Jericho Arcega, nakita niyang humandusay sa kalsada ang biktima na dugoan matapos makarinig ng putok ng baril.
Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay sa biktima dahil kilalang talamak sa bentahan ng droga ang lugar. (ROMMEL SALES)