Saturday , November 2 2024

Tulak na Tsekwa timbog sa 10 kg shabu

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police Office – District Anti-Illegal Drugs (QCPO-DAID) ang isang bigtime drug trafficker nang makuhaan ng 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P20 milyon sa isang buy bust operation kahapon sa lungsod.

Ayon kay Chief Supt. Richard Albano, QCPO director, naaresto si Xu, Zhen Zhi, 30, ng 136 Ongpin St., Binondo, Maynila dakong 3:00 p.m. sa parking lot ng isang fastfood chain sa Philcoa area, sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon kay Insp. Roberto Razon, chief ng DAID, inaalam na nila sa Land Transportation Office (LTO) kung tunay ang nakompiskang lisensya ng suspek sabay na biniberipika ang pangalan sa Bureau of Immigration (BI).

Una nang nakaaresto ang mga tauhan ni Razon ng dalawang drug pusher sa Tarlac at nakakompiska ng isang kilo ng shabu sa buy bust operation.

Sa interogasyon sa dalawa, ikinanta nila ang pangalan ni Xu na supplier nila ng droga kaya nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagdakip kay Xu.

Nakuha rin sa suspek ang 14 kilo ng shabu na nakalagay sa kanyang bag pack na nasa loob ng Toyota Vios. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *