Monday , December 23 2024

Sulpicio Lines wala raw pananagutan sa paglubog ng MV Princess of the Stars

00 Bulabugin
KINATIGAN ng Supreme Court ang unang naging desisyon ng Court of Appeals (CA) na iniabswelto ang Sulpicio Lines sa criminal liability sa paglubog ng MV Princess of the Stars noong 2008 na ikinamatay ng 300 pasahero.

Sa ruling na inilabas ng Supreme Court, tuluyan nitong iniabswelto ang may-aring si Edgar GaGo ‘este’ Go sa nasabing trahedya.

Mayroon lang umanong pananagutang sibil si Go sa nasabing insidente at walang criminal liability.

“The shipowner’s liability for the death of or injuries to passengers resulting from the negligence of the ship captain, with or without concurring negligence on the part of the shipowner, arises from the contract of carriage, hence, civil in nature,” pahayag ng SC.

Bagamat ang Article 2206 ng Civil Code ay aplikable sa nasabing kaso, hindi nito binabago ang kalikasan na ang obligasyon ng may-ari ng barko ay sibil at hindi kriminal.

Sa ilalim ng Article 2206, isinasaad nito ang halaga ng damages sa isang pagkamatay sanhi ng isang krimen na dapat panagutan ng respondent kabilang ang halaga ng kanyang kikitain kung siya ay nabubuhay pa.

Pwede pa naman daw maghain ng motion for reconsideration hanggang Agosto 14.

Sa kanilang petition for certiorari, umapela ang mga pamilya ng mga biktima sa SC na baliktarin ang CA rulings na nag-abswelto kay Go sa mga criminal charges.

Isa lang po ang pagkakaintindi ko rito … sa simula’t simula pala, ang Article 2206 ng Civil Code ay proteksiyon hindi para sa maliliit na mamamayan ng bansa kundi bilang proteksiyon para sa mga negosyante sa industriya ng TRANSPORTASYON.

Ang lahat ng mga nagmamay-ari ng sasakyang ginagamit sa mass transportation, ano man ang mangyari ay walang pananagutang kriminal o makukulong dahil sa batas na ito.

Ang pinaka-ULTIMONG parusa na matatanggap nila ay bayaran ang mga pamilya ng mga biktima pero hindi kailanman makukulong.

Kahit kailan po ay hindi makakasuhan ang mga Go ng “reckless imprudence resulting in multiple homicide, damage to property and serious physical injury.”

Ang ruling na ito ng Supreme Court ay maaari rin maging depensa ng may-ari ng Florida bus gayon din ng iba pang mass transportation na mahaharap sa ganitong uri ng insidente at trahedya.

Only in the Philippines lang talaga na ang mayayamang kriminal ay naliligtas sa mga pananagutang kriminal dahil sa mga batas na may butas!

What the fact!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *