Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 56)

NASARAPAN SI TABA-CHOY SUMUKO ANG MASAHISTA

“Hindi kaya binabasahan ng Biblia ng kasama mo ‘yung seksing masahista niya?” ngisi ni Biboy sa pagbibiro.

“Baka nagpi-prayer meeting sila…” tawa ko.

Lumapit si Biboy sa cubicle na kinaroroonan ni Taba-Choy. Idinaiti niya ang isang tainga sa dingding niyon. Nakigaya ako sa kanya. Gusto ko rin maimadyin kung ano na ang ginagawa ng aking kasama.

“Ayoko na!” ang narinig kong sigaw ng masahista.

“Isang-isa na lang…” ang narinig kong pagsusumamo ni Taba-Choy.

“Sabi nang ayoko na, e… Kulit mo naman,” ang malakas na sigaw ng masahista.

“Pagbigyan mo na ako!” pamimilit ni Taba-Choy.

Nagkalabugan sa loob ng cubicle. Nagka-tinginan kami ni Biboy nang mapatili ang masahista ni Taba-Choy. Kaya pala, hanggang sa pagtakbong palabas ng cubicle ng seksing partner niya ay hila-hila niya ito sa kamay.

“Ayoko, ayoko, ayoko na!” pagmamatigas ng masahista kay Taba-Choy.

“B-Bakit ba?” usisa ko nang mamagitan ako sa masahista at boardmate ko.

“Pinupwersa akong tumihaya uli. E, suko na akong talaga!” reklamo ng masahista.

“Ngayon lang ako nakalasap ng gayong ligaya… Pagkasarap-sarap pala… Masarap siya, ‘Dre… Gusto ko pa!” pagpapakampi sa akin ni Taba-Choy.

Napaatras ako sa pagkalanghap ng amoy na pamilyar na pamilyar sa akin.

“O, b-bakit?” maang na naitanong sa akin ni Taba-Choy.

“Hoy! Magmumog ka nga muna ng feminine wash!” ang mabilis kong naipayo sa kanya.

Birds Of The Same

Feather Flock Together

Biyernes ng bandang ala-siyete ng gabi ng magkita-kits kami nina Biboy at Mykel (a.k.a. Boy Lactacid) sa istambayan naming coffee shop.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …