MULING lalaro para sa isa pang taon sa Talk n Text ang team captain ng Gilas Pilipinas na si Jimmy Alapag.
Sinabi ng ahente ni Alapag na si Charlie Dy na si Alapag mismo ang may gusto ng isang taon lang para sa TNT dahil malapit na siyang magretiro.
Nasa Espanya ngayon si Alapag para sa training camp ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup.
Nanatili si Alapag sa Tropang Texters sa loob ng 11 na taon mula noong na-draft siya ng koponan noong 2003.
Siya’y naging Rookie of the Year noong 2003 at MVP ng PBA noong 2009. (James Ty III)