Saturday , November 23 2024

OWWA admin Becca Calzado no show sa displaced OFWs sa airport!

00 Bulabugin
MARAMI ang mga dumarating ngayon na displaced overseas Filipino workers (OFWs) sa NAIA mula sa Libya. Pero bakit nananatili pa rin ‘kunat-be-located’ este mali can not be located si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Rebecca Calzado.

Simula nang pumutok ang mga problema sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Silangan, lalo na sa Iraq at Libya ay minsan lamang daw nakita ang katawan ‘este’ katauhan ni OWWA chief Calzado na sumalubong upang aluin ang mga pobre nating OFWs.

Si Calzado, na ni anino ay hindi raw nakita sa airport, ay hinirang ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz bilang kapalit ni former OWWA chief Carmelita Dimzon at nanumpa sa bago niyang posisyon noong Hunyo 23.

Naalala ko pa ang sabi ni Baldog ‘este’ Baldoz nang hirangin niya si Calzado, na “I have a marching orders to newly sworn in OWWA administrator Calzado to ensure and extend all forms of assistance to repatriated OFWs, even to not OWWA members, from Libya and Iraq.

Naks naman parang totoo ah?!

Batay sa direktiba ni Baldoz, ang OWWA kasama ang Philippine Overseas Employment Administration, licensed recruitment agencies and their insurance carriers should focus on ensuring that OFWs affected by instability and political upheaval should be brought fast, safe and sound.

Kaya naman para higit na maging mabilis, ligtas at maayos ang pagpapauwi sa OFWs mula sa Libya at Iraq ay itinatag ang DoLE Crisis Quick Response Team na pinamumunuan ni POEA Administrator Hans Cacdac.

Ngunit ang nangyayari at ang katotohanan, tanging si Admin Cacdac lamang ang palaging makikita sa NAIA na sumasalubong sa mga kawawa nating mga kababayan na mula sa Libya at Iraq.

Baka sobrang abala si OWWA chief Calzado sa kanyang malamig na tanggapan kung kaya’t ‘di nagagawang pumunta para sumalubong sa mga luhaan nating mga kababayan at tanging ang mga tauhan lamang niya ang nagtitiyagang magbigay ng airport assistance.

Ano ba ‘yan!?

Ayaw ni PNoy ng ganyan klaseng opisyal sa kanyang administrasyon!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *