MAG-SELFIE para sa perpektong almusal. Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng novelty toaster na magagawang ilagay ang larawan ng inyong mukha sa tinapay.
Ang Vermont Novelty Toaster Corporation ay nag-aalok ng serbisyo na ang larawan ng kustomer ay gagamitin para sa pagbuo ng personalized toasters.
Ang finished products – nagkakahalaga ng $75 kada piraso – ay ito-toast ang tinapay sa golden brown, ngunit ang image outline ay medyo susunugin sa higher heat upang magkaroon nang darker hue.
Ayon sa pangulo ng kompanya na si Galen Dively, walang iba pang produktong ganito sa mundo ngayon.
“This is a first in the novelty toaster world,” pahayag niya sa Reuters.
“Before, setup fees and large minimums effectively limited personalized toasters to larger companies, corporations and individuals with deep pockets. We are creating a whole new market; personalized impressions on toast available to all.” (http://www.dailymail.co.uk)