PATAY ang mag-asawa habang sugatan ang dalawang anak nang ratratin ng hindi nakikilalang suspek habang mahimbing na natutulog sa Talakag, Bukidnon kamakalawa.
Maraming tama ng bala sa katawan ang ikinamatay ng mag-asawang sina Roselyn Udtohan at Eric Lagenda, kapwa residente ng Brgy. Dominorog, ng nasabing bayan.
Ginagamot sa Maramag District Hospital ang dalawang sugatan na anak ng mga namatay na sina Jonathan at Jess Mc Udtohan.
Ayon kay Chief Insp. Al Abanales, hepe ng Talakag Police Station, mahimbing na natutulog ang mag-anak nang pasukin ng hindi pa matukoy na suspek saka pinagbabaril.
(BETH JULIAN)