Sunday , November 3 2024

4-anyos batang lalaki naging gulay dahil sa medical malpractice sa Meycauayan Doctors’ Hospital (Attn: DoH Sec. Enrique Ona)

00 Bulabugin

MULA sa pagiging bibo, makulit, malikot at masayahing bata – isang 4-anyos na batang lalaki ngayon ang nanatiling naka-NGT (sa hose na nakapasok sa ilong ipinadaraan ang liquid food), sumasailalim sa physical therapy, dahil sa stroke, na isinasagawa ng isang occupational therapist at isang reflexologist.

Ang dating madaldal na bata, ngayon ay hindi makapagsalita at hindi pa rin mabatid kung mayroon siyang vision. Kung dati ay napapagod ang kanyang mga magulang sa kahahabol sa kanya, ngayon ay hindi siya nakapaglalakad at kailangan buhatin pa kung saan niya gustong magpunta.

In short, mistulang gulay ngayon ang dating bibo, makulit, malikot at masayahing bata.

Kapag normal ang sitwasyon, kada buwan ang balik niya sa kanyang doctor at kada dalawang buwan naman ang kanyang MRI at kung ano-anong laboratories.

At ‘yan po ay nangyari dahil sa MALING DIAGNOSIS ng kanyang pediatrician sa Meycauayan Doctors’ Hospital.

Noong Nobyembre 22, 2013 dahil sa on and off na lagnat ay dinala ng kanyang mga magulang ang 4-anyos na bata sa nasabing ospital.

Nang tanungin kung sino ang kanilang doctor, sinabi nilang si Dra. TRIGIDA ALVEZA.

Dahil sa taas ng lagnat, sinabi ni Alveza na dapat ma-confine ang bata. Kaya kumuha ng kwarto ang mag-asawa at nagdeposito sila ng P3,000. Pero sa buong maghapon ay walang dumating na doctor maging si Dra. Alveza. Ipina-dextrose lang ang pasyente at pinaiinom ng paracetamol.

Dumating si Dra. Alveza dakong 9:00 ng gabi at sinabing mayroon daw KAWASAKI disease ang kanyang anak. Isang hindi pangkaraniwang sakit na labis na maaapektohan ang puso ng isang pasyente kapag hindi naagapan.

Kailangan daw maturukan ng gamot ang bata para maagapan. Ang halaga ng isang vial ay P8,000 hanggang P9,000.

Sa madaling sabi, nasaksakan ‘yung pasyente ng vial. Sa unang vial ay wala naman naging problema maliban sa napansin nilang panghihina ng bata.

Sa ikalawang vial na itinurok, nagkataon na wala ang mag-asawa nang i-administer ito, ay nagkaroon ng komosyon at nagsisisigaw ang bata dahil nawalan siya ng vision.

Ipinatawag ni Dra. Alveza ang isang Dr. Patrick Santiago, isang ophthalmologist, na ang ipinayo ay pina-inhale and exhale ang pasyente sa isang brown na supot bilang first aid. Nagbalik naman ang vision ng bata.

Pagkatapos nito ay dinala sa isang opsital sa Quezon City para sa MRI saka muling ibinalik sa Bulacan. Pero ganoon pa rin, hindi ma-diagnose nang tama sa nasabing ospital ang pasyente.

Ipinasya ng mag-asawa na ilabas na ang kanilang anak pero kailangan muna nilang magbayad ng P108,000 kabilang ang pang-ambulansiya.

Sa Chinese General Hospital (CGH) na pinaglipatan ng pasyente, doon na-diagnose na mayroong TB Meningitis Stage 3, Pneumonia moderate risk, S/P Lumbar Puncture with communicating Hydrocephalus.

What the Fact!!!

Hindi ako doctor, at alam kong delikado rin ang nasabing mga sakit pero kung na-diagnose nang tama ay kayang-kaya ‘yan ng mga infectious disease doctors natin sa San Lazaro Hospital at PGH Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

‘Yung 150 infectious disease doctors natin sa bansa, kayang-kaya nila ‘yan pero dahil nga sa maling diagnosis ‘e napahamak lalo ‘yung batang pasyente.

Sa kasalukuyan, inihahanda na ng mag-asawa ang asunto laban sa nasabing ospital at sa mga doctor na sangkot sa kapahamakan ng bata.

Babala lang po sa mga magkakaroon ng sakit sa gawing ‘yan ng Bulacan, kung wala kayong ibang mapagdadalhan, iluwas na po ninyo agad sa ng Maynila ang pasyente ninyo.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *