Monday , December 23 2024

4-anyos batang lalaki naging gulay dahil sa medical malpractice sa Meycauayan Doctors’ Hospital (Attn: DoH Sec. Enrique Ona)

00 Bulabugin
MULA sa pagiging bibo, makulit, malikot at masayahing bata – isang 4-anyos na batang lalaki ngayon ang nanatiling naka-NGT (sa hose na nakapasok sa ilong ipinadaraan ang liquid food), sumasailalim sa physical therapy, dahil sa stroke, na isinasagawa ng isang occupational therapist at isang reflexologist.

Ang dating madaldal na bata, ngayon ay hindi makapagsalita at hindi pa rin mabatid kung mayroon siyang vision. Kung dati ay napapagod ang kanyang mga magulang sa kahahabol sa kanya, ngayon ay hindi siya nakapaglalakad at kailangan buhatin pa kung saan niya gustong magpunta.

In short, mistulang gulay ngayon ang dating bibo, makulit, malikot at masayahing bata.

Kapag normal ang sitwasyon, kada buwan ang balik niya sa kanyang doctor at kada dalawang buwan naman ang kanyang MRI at kung ano-anong laboratories.

At ‘yan po ay nangyari dahil sa MALING DIAGNOSIS ng kanyang pediatrician sa Meycauayan Doctors’ Hospital.

Noong Nobyembre 22, 2013 dahil sa on and off na lagnat ay dinala ng kanyang mga magulang ang 4-anyos na bata sa nasabing ospital.

Nang tanungin kung sino ang kanilang doctor, sinabi nilang si Dra. TRIGIDA ALVEZA.

Dahil sa taas ng lagnat, sinabi ni Alveza na dapat ma-confine ang bata. Kaya kumuha ng kwarto ang mag-asawa at nagdeposito sila ng P3,000. Pero sa buong maghapon ay walang dumating na doctor maging si Dra. Alveza. Ipina-dextrose lang ang pasyente at pinaiinom ng paracetamol.

Dumating si Dra. Alveza dakong 9:00 ng gabi at sinabing mayroon daw KAWASAKI disease ang kanyang anak. Isang hindi pangkaraniwang sakit na labis na maaapektohan ang puso ng isang pasyente kapag hindi naagapan.

Kailangan daw maturukan ng gamot ang bata para maagapan. Ang halaga ng isang vial ay P8,000 hanggang P9,000.

Sa madaling sabi, nasaksakan ‘yung pasyente ng vial. Sa unang vial ay wala naman naging problema maliban sa napansin nilang panghihina ng bata.

Sa ikalawang vial na itinurok, nagkataon na wala ang mag-asawa nang i-administer ito, ay nagkaroon ng komosyon at nagsisisigaw ang bata dahil nawalan siya ng vision.

Ipinatawag ni Dra. Alveza ang isang Dr. Patrick Santiago, isang ophthalmologist, na ang ipinayo ay pina-inhale and exhale ang pasyente sa isang brown na supot bilang first aid. Nagbalik naman ang vision ng bata.

Pagkatapos nito ay dinala sa isang opsital sa Quezon City para sa MRI saka muling ibinalik sa Bulacan. Pero ganoon pa rin, hindi ma-diagnose nang tama sa nasabing ospital ang pasyente.

Ipinasya ng mag-asawa na ilabas na ang kanilang anak pero kailangan muna nilang magbayad ng P108,000 kabilang ang pang-ambulansiya.

Sa Chinese General Hospital (CGH) na pinaglipatan ng pasyente, doon na-diagnose na mayroong TB Meningitis Stage 3, Pneumonia moderate risk, S/P Lumbar Puncture with communicating Hydrocephalus.

What the Fact!!!

Hindi ako doctor, at alam kong delikado rin ang nasabing mga sakit pero kung na-diagnose nang tama ay kayang-kaya ‘yan ng mga infectious disease doctors natin sa San Lazaro Hospital at PGH Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

‘Yung 150 infectious disease doctors natin sa bansa, kayang-kaya nila ‘yan pero dahil nga sa maling diagnosis ‘e napahamak lalo ‘yung batang pasyente.

Sa kasalukuyan, inihahanda na ng mag-asawa ang asunto laban sa nasabing ospital at sa mga doctor na sangkot sa kapahamakan ng bata.

Babala lang po sa mga magkakaroon ng sakit sa gawing ‘yan ng Bulacan, kung wala kayong ibang mapagdadalhan, iluwas na po ninyo agad sa ng Maynila ang pasyente ninyo.

JUETENG NI JOY AT BOLOK SANTOS NAGPAPA-HAPPY SA MGA HEPE NG PNP-SPD

HINDI raw mabura nagyon ang napakalaking ngisi ‘este ngiti umano ni Parañaque chief of police Senior Supt. Ariel Andrade.

Halos naka-CLUSTER kasi sa kanyang area of responsibility (AOR) ang jueteng operations ni JOY at BOLOK SANTOS.

Kaya s’yempre happy din si Southern Police District (SPD) director Gen. Jose Erwin Villacorte.

‘Yung mga chief of police ng Pasay, Makati, Las Piñas, Taguig at Muntinlupa, nasisiyahan din kaya sa operasyon ng jueteng ni BOLOK?!

Wala ba kayong balak busisiin NCRPO chief, Gen. Carmelo Valmoria, Sir, ang jueteng ni JOY at BOLOK SANTOS?

O ‘yan na mismo ‘yung 12 million-peso goodwill ‘este’ question!?

ISANG MASAYA AT MAKABULUHANG KAARAWAN SEN. SONNY TRILLANES

BINABATI natin sa kanyang araw ng pagsilang ang isa sa magigiting na senador ng bayan — Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV — isang makabuluhan at masayang kaarawan Senator!

Hangad natin ang ibayo pang pagpapala sa inyo ng Dakilang Lumikha para sa inyong patuloy na paglilingkod sa sambayanan.

Mabuhay ka Senador Trillanes!

GEN. ROLAND ESTILLES IN, GEN. ROLANDO ASUNCION OUT SA MPD!?

Biglang pumutok ang usapan na sisibakin na raw si Gen. Rolando Asuncion as district director ng MPD.

At ang ipapalit ay si Gen. Ronald Estilles na kilalang ‘tao’ at suportado ni Bro. Mike ng El Shaddai.

Ayon sa mga urot at bagman sa MPD HQ, marami raw kasing nasasagasaan si Gen. Asuncion lalo na ‘yung mga pangkabuhayan ng ilegalista sa city hall kaya inirekomenda raw na palitan at ilagay si Estilles sa MPD.

Ang saklap naman ng naging kapalaran ni Gen. Asuncion kung totoo nga ang balitang ito.

Anyway, saludo pa rin tayo kay Gen. Asuncion na kahit napipitik natin sa ating kolum ang ilang tiwaling tauhan n’ya ay ipinakikita pa rin niya ang pagiging isang professional na police officer.

Good luck in your future endeavours, General Asuncion!

IWASAN MAMILI SA NOVO JEANS & SHIRTS CALOOCAN

Ibang klase pala magpatupad ng kanilang seguridad ang NOVO JEANS and SHIRTS na matatagpuan sa F. ROXAS St. at 3rd Ave., sa lungsod ng Caloocan.

‘Yun mga kamoteng guwardiya nila ay rerekisahin ang mga dala mong bag kapag papasok ka sa tindahan nila.

Okey lang naman ‘yun…pero ang nakabu-bwisit kapag ikaw ay palabas na rerekisahin ulit ng mga estupidong sekyu ang dala mong bag!

Sonabagan!!!

Ang tingin ba nila sa mga costumer na pumapasok sa tindahan nila ay magnanakaw?!

Sonabagan!!!

Aba’y kung wala kayong tiwala sa mga mami-mili, huwag na lang kayong magpapasok ng costumer o mas mabuti magsara na lang kayo!

Talo pa n’yo SM o Robinsons!

‘E puro Made in China at madaling masira naman daw ang mga paninda n’yo!?

Irespeto n’yo ang inyong mga costumer!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *