Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla, lucky charm ni Mother Lily

00 SHOWBIZ ms mHINDI na kuwestiyon ang husay at kakayahan ni Carla Abellana bilang artista. Hindi lang ang maganda niyang mukha ang kinagigiliwan ng publiko kundi of course pati ang kanyang pag-arte.

Simula nang bigyan ng acting break ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde si Carla sa pamamagitan ng Punerarya episode sa Shake Rattle & Roll, isinilang ang isang bankable at dependable aktres sa kanyang katauhan. Nabigyan siya ng tropeo ng Best Performance mula sa Young Cristics Circle Award at sa 27th Star Awards for Movies ng PMPC bilang Best New Movie Actress.

Sinundan ito ng sex-drama My Neighbor’s Wife at Yesterday, Today, Tomorrow na nagbigay din sa kanya ng acting nominations.

080514 carla abellana mother lily
This year, pinagkatiwalaan muli si Carla ng Regal sa pamamagitan ng pelikulang Third Eye na sinundan ng So It’s You. At ngayon isa na namang pelikula ang muling ibinigay sa kanya ni Mother Lily, ang Somebody To Love na isang romantic comedy mula sa pamamahala ni Joey Javier Reyes.

Gagampanan ni Carla ang papel ni Sabrina Madrilejos, isang ambitious at hardworking advertising creative director. Makakasama niya rito sina Matteo Guidicelli at Jason Abalos.

Bale magsisilbing birthday presentation itong Somebody To Love ni Mother Lily na mapapanood na sa Agosto 20. Tila lucky charm ni Mother Lily si Carla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …