PINAWI ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pangamba hinggil sa banta ng tsunami bunsod sa nangyaring napakalakas na lindol na tumama sa Federated States of Micronesia.
Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang 7.2 magnitude na lindol sa Micronesia bandang 8:22 a.m. kahapon.
Ngunit batay sa report ng US Geological, nasa 6.6 magnitude lang ang naitalang lindol.