Monday , December 23 2024

Jueteng ni Bolok Santos tuluyang namayagpag sa South Metro

00 Bulabugin
NAGDIRIWANG na ang grupo ni TONY BOLOK SANTOS dahil sa kanyang pananagumpay na makopo ang operasyon ng jueteng sa Southern Metro Manila.

Dahil sa tumataginting na P12 milyones na goodwill money ‘e tumindi ang pressure sa mga karibal sa jueteng operation.

At sa tindi nga raw ng pressure ‘e tumiklop ang mga small player.

Ganyan kalupit ang operasyon ng teng-we BOLOK SANTOS na kinamada ni KENNETH INSTIK.

Paging BAGMAN ng Camp Crame, CIDG,NCRPO, NBI, GAB, DILG at iba pang anti-illegal gambling units … alam na siguro ninyo kung ‘gaano’ ang ipapataw ninyong tongpats.

Ganoon din ang mga nagpapakilalang sila ang ENKARGADO para sa LAGOM ng mga taga-MEDIA.

T’yak na t’yak mayroong LALAGOM at mayroong ‘BUKOL’ ang mapapala.

At ‘yan ang ‘MABUTING BALITA’ Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

‘Wag ka nang magtaka kung maging ang mga OPISYAL ng ‘PARAK’ sa Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at Taguig ay mamunini dahil sa laki ng pinakawalang GOODWILL ni BOLOK.

Pati mga politiko, t’yak sasahod kay BOLOK dahil nalalapit na naman ang ELEKSIYON.

‘Di ba, SILG Mar Roxas?!

DOE NAKAGAPOS ANG KAMAY SA EPIRA LAW

Walang magawa ang Department of Energy (DOE), sa kabila ng mga rekomendasyon nito upang isaayos ang problema ng elektrisidad sa ating bansa.

Ano mang solusyon na dapat o gusto nilang gawin na proyekto ay hindi ito uusad lalo na kung panahon ng krisis, dahil sa probisyon ng RA 9136 o EPIRA LAW, partikular na ang Section 71 na tanging ang senado at kongreso lamang, ang mag-aapruba kung sa palagay ng ating Presidente ay talagang may kakulangan sa supply ng koryente.

Kaya naman ang rekomendsayon ni Energy Sec. Carlos Jericho L. Petilla, na dapat ay isailalim sa emergency power ng Pangulo ang problema ng koryente.

Matatandaan na desmayado pa rin ang ating mga kababayan sa Mindanao, sa ipinaiiral na rotating brown out, na naging sanhi ng mabagal na pag-usad ng mga negosyo roon. Marami ang nalugi, nagsara, nasira ang mga produkto lalo na ‘yung nangangailangan ng koryente tulad ng mga canning factory sa General Santos City.

Sabi ni DOE Usec. Zanaida Y. Monzada, kaya sila nagrekomenda sa Kongreso na bigyan ng emergency power si President Noynoy upang agarang masolusyonan na ang probema sa elektrisidad sa Mindanao.

Ngunit hanggang ngayon ay ‘NGANGA’ pa rin ang kanilang mga rekomendasyon sa Kongreso. Oo nga, may isang solusyon ni Sec. Petilla na magkaroon ng agarang barge generator, pero mahal naman ang fuel at kung kailan tatagal ay walang kasiguruhan.

Magkano naman ang ipapatong at sisingilin sa mga consumer!?

May problema rin ang mga hydro-electric plant sa Mindanao na pag-aari ng gobyerno, na hindi maaaring galawin, dahil may atas ang EPIRA LAW na isapribado sa ilalim ng opisina ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation o PSALM.

Samantala, ang mga kooperatiba naman ay may kanya kanyang interes. Ang isa ay miyembro ng Source, ang isa ay miyembro ng distribution, kumbaga sa iilang tao lang nagpapaikot-ikot at pinagkakakitaan ang industriya ng enerhiya. Cross-ownership sa madaling sabi. Kaya halos mabibilang sa mga diliri ng kamay ang mga stakeholder ng power sector sa ating bansa.

Lahat ng galaw ng DOE ay magiging ilegal kung hindi ito idadaan sa Kongreso. ‘Yang cross-ownership na ‘yan ay matagal nang nakabinbin sa Kongreso.

Ang problema ng management ng PSALM sa pagsasapribado ng mga generation power, sila rin ang dahilan ng pagkaantala ng serbisyo ng koryente sa mamamayan.

Buong akala ng sambayanan, ang EPIRA Law ay malaki ang maitutulong kay Juan dela Cruz, dahil mabubuksan ang kompetisyon sa stakeholders, at umano ay bababa ang bayarin ng mga consumer. Akala rin natin, ang pagsasapribado ng power generation ay magbibigay kaluwagan sa taumbayan? Akala rin natin, ang Malampaya project ay malaking tulong sa atin para hindi tayo makaranas ng brown-out!?

Pero isang malaking HINDI pala!

Ang Pilipinas ay ikalawa sa may pinakamataas na presyo ng koryente at pangwalo sa buong mundo.

Nasa kamay ngayon ng Senado at Kongreso ang kinabukasan ng ating enerhiya. Lalo na sa pag-aamyenda ng EPIRA Law.

Mga Kagalang-galang na mambubutas ‘este’ Mambabatas, ano pa ang hinihintay ninyo!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *