Sunday , November 3 2024

DoE nakagapos ang kamay sa Epira Law

00 Bulabugin

Walang magawa ang Department of Energy (DOE), sa kabila ng mga rekomendasyon nito upang isaayos ang problema ng elektrisidad sa ating bansa.

Ano mang solusyon na dapat o gusto nilang gawin na proyekto ay hindi ito uusad lalo na kung panahon ng krisis, dahil sa probisyon ng RA 9136 o EPIRA LAW, partikular na ang Section 71 na tanging ang senado at kongreso lamang, ang mag-aapruba kung sa palagay ng ating Presidente ay talagang may kakulangan sa supply ng koryente.

Kaya naman ang rekomendsayon ni Energy Sec. Carlos Jericho L. Petilla, na dapat ay isailalim sa emergency power ng Pangulo ang problema ng koryente.

Matatandaan na desmayado pa rin ang ating mga kababayan sa Mindanao, sa ipinaiiral na rotating brown out, na naging sanhi ng mabagal na pag-usad ng mga negosyo roon. Marami ang nalugi, nagsara, nasira ang mga produkto lalo na ‘yung nangangailangan ng koryente tulad ng mga canning factory sa General Santos City.

Sabi ni DOE Usec. Zanaida Y. Monzada, kaya sila nagrekomenda sa Kongreso na bigyan ng emergency power si President Noynoy upang agarang masolusyonan na ang probema sa elektrisidad sa Mindanao.

Ngunit hanggang ngayon ay ‘NGANGA’ pa rin ang kanilang mga rekomendasyon sa Kongreso. Oo nga, may isang solusyon ni Sec. Petilla na magkaroon ng agarang barge generator, pero mahal naman ang fuel at kung kailan tatagal ay walang kasiguruhan.

Magkano naman ang ipapatong at sisingilin sa mga consumer!?

May problema rin ang mga hydro-electric plant sa Mindanao na pag-aari ng gobyerno, na hindi maaaring galawin, dahil may atas ang EPIRA LAW na isapribado sa ilalim ng opisina ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation o PSALM.

Samantala, ang mga kooperatiba naman ay may kanya kanyang interes. Ang isa ay miyembro ng Source, ang isa ay miyembro ng distribution, kumbaga sa iilang tao lang nagpapaikot-ikot at pinagkakakitaan ang industriya ng enerhiya. Cross-ownership sa madaling sabi. Kaya halos mabibilang sa mga diliri ng kamay ang mga stakeholder ng power sector sa ating bansa.

Lahat ng galaw ng DOE ay magiging ilegal kung hindi ito idadaan sa Kongreso. ‘Yang cross-ownership na ‘yan ay matagal nang nakabinbin sa Kongreso.

Ang problema ng management ng PSALM sa pagsasapribado ng mga generation power, sila rin ang dahilan ng pagkaantala ng serbisyo ng koryente sa mamamayan.

Buong akala ng sambayanan, ang EPIRA Law ay malaki ang maitutulong kay Juan dela Cruz, dahil mabubuksan ang kompetisyon sa stakeholders, at umano ay bababa ang bayarin ng mga consumer. Akala rin natin, ang pagsasapribado ng power generation ay magbibigay kaluwagan sa taumbayan? Akala rin natin, ang Malampaya project ay malaking tulong sa atin para hindi tayo makaranas ng brown-out!?

Pero isang malaking HINDI pala!

Ang Pilipinas ay ikalawa sa may pinakamataas na presyo ng koryente at pangwalo sa buong mundo.

Nasa kamay ngayon ng Senado at Kongreso ang kinabukasan ng ating enerhiya. Lalo na sa pag-aamyenda ng EPIRA Law.

Mga Kagalang-galang na mambubutas ‘este’ Mambabatas, ano pa ang hinihintay ninyo!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *