Pumutok na naman ang eskandalo tungkol sa sex video ng isang sikat na personalidad.
As usual (sa mga biktima ng sex video scandal), para sagipin ang kanyang kaburaraan este kahihiyan, pumunta sa awtoridad (PNP-CIDG) ang TV host/anchor na si Paolo Bediones para ipa-trace umano kung sino ang nag-upload ng nasabing video.
Inireklamo rin niya ang blackmail letter na kanyang natanggap na may ganitong sinasabi “Hawak ko ngayon ang mga sex videos mo. Madali naman akong kausap! Kung ayaw mong lumabas ito sa publiko, tawagan mo ako. Antayin ko ang tawag mo! Wag mo patagalin mainipin ako.”
Aniya natanggap niya ang nasabing blackmail letter, tatlong buwan matapos niyang ipagawa ang nasirang laptop.
Limang taon na raw ang nakararaan nang i-record ang nasabing sex video at iyon daw ay pribado.
What the fact!
Ginagawa na raw ng PNP-CIDG ang imbestigasyon para papanagutin ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9995 or the Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
Nagtataka naman kasi tayo sa mga taong kagaya ni Paolo Bediones at ‘yung mga nauna sa kanya na nagkaroon ng ganyang eskandalo.
Bakit ba kailangan pa ninyong i-record ang inyong mga ‘pagnanasa’ or kahit ‘act of love’ pa ‘yan!?
Hindi ba kayo na nga ang nagsabi, “It’s private!”
E bakit kailangan ninyong kunan pa ng video?!
Kung wala kayong ini-record na ganyan, ‘e di walang bubuyangyang sa publiko.
Alam ba ninyo kung paano lang matitigil ang mga eskandalong ganyan?!
Isama sa sasampahan ng kaso ‘yung mismong gumawa at kumuha ng video. Kailan ba naging tama na i-record ang sexual act?
Mga HENYONG MAMBABATAS, ‘yan ang ipa-research ninyo at gawing panukalang batas para matigil sa ‘kaburaraan’ nila ang mga exhibitionist at pervert.
Hindi tayo moralista, pero hindi rin naman tayo ‘gago’ para agawin ang atensiyon ng sambayanan na galit na galit na sa mga ‘politikong mandarambong.’
Bigla tuloy akong napaisip … hindi nga kaya?
Para saglit na malito ang mamamayan para huwag nang pag-usapan ang mga politikong mandarambong ‘e kailangan maglabas na naman ng ganitong ‘sex video scandal’ para ma-divert ang attention ng samabayanan?
Para palamigin ang sitwasyon … dahil ang kasunod na season ay Kapaskuhan at pagkatapos ay ang pagdating ng Santo Papa bago ang eleksiyon sa 2016?!
Sa panahon na ‘yan ‘e malamang napalamig na ng ‘SPIN DOCTORS’ ang isyu tungkol sa PORK BARREL at DAP?!
Ano sa tingin ninyo mga suki?!
PEACE & ORDER SA QUEZON CITY TUTUKAN!
MUKHANG walang takot ang mga naglipanang kriminal sa Quezon City.
Sunod-sunod ang nagaganap na pamamaslang at holdapan.
Namahinga nga ang carnap syndicate pero tuloy pa rin ang nakawan, holdapan at patayan.
Napakalaki ng Quezon City. Kaya kung ang mga opisyal ng Quezon City Police District at mga station commander ay mananatili lang sa kanilang malalamig na opisina ay talagang hindi magkakaroon ng peace and order sa lungsod.
QCPD district director Gen. Richard Albano Sir, marami ka nang pinatunayan bilang ising pulis at opisyal, pero mukhang gustong silatin ng ilang QCPD officials na ayaw makipagtulungan sa iyo.
Wala ka bang balak mag-reshuffle?!
Mukhang kailangan mong ‘UGAIN’ ang QCPD para naman magising ang mga pakaang-kaang at patulog-tulog lang habang naghihintay ng mga ‘PARATING.’
Now na ‘yan, Gen. Albano, Sir!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com