MUKHANG makokompleto na ang attendance ng ‘action stars’ sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Nitong linggo ay nilagdaan na umano ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang resolution na naghahain ng graft charges laban kay Senador Manuel “Lito” Lapid at anim pang iba dahil sa overpricing ng 3,880 liters ng liquid fertilizer na binili ng provincial government noong 2004.
Sangkot ito sa P728 million fertilizer scam.
Batay sa report, ang P5 milyon sa nasabing halaga ay inilihis para iambag sa campaign fund ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2004 national elections.
Ayon sa Commission on Audit, 76 sa 181 benepisaryo ay hindi nakatanggap ng share nila sa pondo pero mayroong 18 non-beneficiaries ang nabigyan ng pondo.
Malapit na ngang makompleto ang ‘action stars’ sa loob …
‘Yun nga lang, mukhang nasa denial stage pa si Leon Guerrero.
Huwag daw pangunahan ang Ombudsman. Sinagot na raw nila ang nasabing reklamo noon pa. Hihintayin daw muna niya ang ipadadala sa kanyang information tungkol sa final resolution ng Ombudsman.
O sige, Senator Lapid, maghihihintay na lang kami … hihintayin namin na mag-apiran kayo nina Bong, Jinggoy at Lakay sa loob ng PNP Custodial Center.
Aabangan rin namin kung ano naman ang gagawin mong depensa at alibi para huwag maikulong sa nasabing custodial center.
Pansamantala, magpraktis-praktis ka na rin …
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com